Kabanata 6

532 12 0
                                    

Chapter 6 | Trabaho lang

"Hi Chichay ! Ako nga pala si Jeremy."

Nakalahad ang kamay niya. Hindi ko pa rin ito tinatanggap. Tumingin ako kamay niya tapos sa mukha niya at balik sa kamay niya.

"Uhhhh...Goodnight !!!!"

Kumaripas ako ng takbo. Hindi ako tumingin sa likod. Dobleng hakbang pa ang ginawa ko sa hagdanan. Sinara ko ang pintuan at sumandal dito.

"Haaah-haaah"

Grabe ang pag hahabol ko sa aking hininga. Hinawakan ko ang dibdib ko.

"Oh my gulay, Chichay ! Bakit mo yun ginawa?" nababaliw na ako. Kinakausap ko na ang sarili ko. Inilapag ko ang bag ko sa sofa at uminom ng dalawang bote ng tubig.

Anu kaya itsura ni Jeremy? Nahalata niya kaya ka na fan ako? Mukha ba akong tanga? Magulo ba buhok ko? Baka isipin niya mabaho hininga niya kaya ako tumakbo.

"Ugggh !!! Anu ba tong ginawa ko !!"

Naligo ako. Matagal akong nag babad sa shower. Nag suot ako ng pajama na hello kitty at humiga sa kama. Naroon sa harapan ko ang naka ngiting Jeremy. Hindi naka labas ang ngipin tulad nung ngiti niya kanina sa akin.

Yung kislap ng mga mata niya. Yung maputi niyang balat na kumikinang sa ilalim ng buwan. Yung katangkaran niyang nag papa awang sa bibig ko...Lahat yan nasa isip ko. Baka ito pa ang dahilan kung bakit ako mag ka eyebags. At hindi ako pwede magka eyebags dahil papasok na siya bukas. Kailangan pag handaan ko yun. Marami akong magiging kaagaw. Kailangan kahit isang sulyap makakuha ako.

Nakatulog ako habang nag-iisip. Nagising na lang ako dahil sa katok sa pintuan. Tumayo ako at tamad na nag lakad papunta doon. Binuksan ko yun. Nag hihikab pa ako at bigla kong isinara ang bibig ko ng makita si..... Gino?!

"Anung ginagawa mo dito?" tanung ko. Pinandilatan ko siya ng mata.

"Ummm. Sinusundo ka?" parang hindi pa siya sigurado. Napakamot siya sa batok niya. Teka, anung oras na ba? Tumakbo ako sa side clock ko.

"10:20!!!!!?"

Pakshet !!! Late na naman ako. Dalawang klase na ang nakaligtaan ko. Ang susunod na klase ko ay yung subject na partner ko si Gino. Kaya siya siguro nandito. Pero bakit siya nandito? Sino nag turo sa kaniya nitong dorm ko? Iniwan niya mag-isa si Jeremy?

Si Jeremy !! First day niya ngayon !! Nako. Nako !!! Paikot-ikot na ako. Hindi ko alam kung anu ang uunahin.

"Intayin na lang kita dito." narinig kong sigaw ni Gino at sumara ang pintuan.

Hindi ko na yun pinansin at agad ng naligo at nag bihis. Yun na siguro ang pinaka mabilis kong pagligo. Nadatnan ko si Gino sa may mini sala. Nakataas ang paa niya sa lamesa at nag babasa ng magazine. Buti na lang nakatago yung magazine stash ko na puro si Jeremy ang nasa harapan.

"Tara na !" hinila ko na siya. Naka abot kami sa klase. Madami ang nakatingin sa amin pero wala akong pakialam.

"Ui Chichay !!" hampas ni Janella mula sa likod ko. Nandito kami sa locker room. "Bakit ka absent? Hindi mo tuloy nakita si Jeremy."

Peste talaga tong kaibigan kong ito. Imbes na pasiyahin ako, lalu pa akong dinown. Padabog kong isinara ang locker ko.

"Kailangan mo ba talaga sabihin sa akin yan?"

Hinawakan niya pisngi ko. "Joke lang naman yun. Absent siya. Hindi pa siya nakikita dito sa school."

Lumiwanag ang mukha ko. Okay lang pala ang pagkaka absent ko. Wala pa siya. Yumakap ako kay Janella.

My girlfriend is a fangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon