Chapter 27 | Sa ating dalawa
Iba talaga ang feeling pag ikaw ay nakilala na. Pag ikaw ay sikat na sa buong school. Manalo ka ba naman sa pageant ng ganun-ganun lang. Ang dating 'Who are you?' ay isa nang 'How are you?' ngayon.
Ako ay isang pala ngiting tao pero sa mga kakilala ko lang. Hindi ko pinapansin ang mga hindi pumapansin sa akin. Pero ngayon, ibang-iba na. Kahit saan ako mag punta ay may mga sumisingit sa tabi namin ni Janella. Para bang naging artista ako(sa school lang namin) na kada daan may nag papapicture.
Akala namin hanggang umpisa lang. Mag dadalawang buwan na din simula nung nag pageant kami. Panay pa rin ang pag papapansin nila sa akin. Ayoko naman maging suplada pero nakaka inis na minsan. Kasi kahit nasa library ako at nag rereview, wala silang tawad.
Dalawang buwan na din kami ni Jeremy. Yes ! Tama po ang nabasa niyo. K-A-M-I NA !
Mahirap ang "Secret" girlfriend na role ko. Walang nakaka alam, though may nakaka hula dahil sa mga recent post ni Jeremy sa twitter or instagram.
Nag post siya yung panalo kami with the caption : That smile is the best award I received.
Isa pa niyang upload ay picture namin nila Janella na may hashtag : forvr
At ang pinaka latest niya ay yung kuha namin sa beach na naka talikod. Black and white ang style. Naka hawak siya sa bewang ko at naka side view sa camera na ani mo'y may ibinubulong sa akin. Anu ang caption niya?! Ito : "They said God gave us two hearts but a normal person can't handle it so he transfer it to another person. It will start beating when it find its other pair. And guess what, my heart started beating when I met her."
Kadami-daming comments. Halos limang libong kumento. More on positive naman. Natatakot kasi ako sa mga hate comments. Hindi ko alam kung saan nila nakukuha ang mga hate na iyon. I'm a fan and I don't do or post any hate comments. Naiintindihan ko kung anu ang magiging desisyon ng iniidolo ko. Hindi ko siya ipinag tutulakan sa iba.
"Si Ligaya ba yan?"
"Sana si Ligaya yan.."
Ayan din ang mga comments na paulit-ulit. Iniisip ko kung kamukha ko ba si Ligaya? O kamukha ng likod ko si Ligaya? Este yunh likod pala ni Ligaya?
Nag papasalamat nga ako at hindi pa niya isinisiwalat ang balita. Unti-unti kasi siyang nag paparinig na "break" na daw sila ni Jeremy. Hindi naman totoo dahil hindi naman naging sila in the first place. Ako ang first girlfriend ni Jeremy at siya din ang first boyfriend ko. And I hope he will be the last.
"Haaaaaaaay !!" nakahinga na ng maluwanag si Janella. Tapos na ang finals namin.
"Bakasyon na !!!!" sigaw ng isang estudyante na tumatakbo sa hallway.
Yup ! Vacation na. Means summer. Means another two boring months. Pero ngayong may dahilan na ako para lalung sumaya, boring pa rin kaya ang summer ko?
"Third year na tayo sa pasukan." sabi ko sa kaniya. Hinampas naman niya ako. "Aray !"
"Kakatapos lang ng pagiging sophomore mo yan agad ang iniisip mo. Mag enjoy muna tayo !"
Nag punta kami sa cafeteria. Grabe ang dami ng tao. Sinusulit ata ang cafeteria foods.
"Anu ba yan ! Nagugutom na ako." pumadyak si Janella.
Tumingin ako sa paligid. Ngumiti ang mata ko ng makita ang isang pamilyar na lalaki.
"Halika !!" hinila ko si Janella at naglakad patungo kay Jeremy.
BINABASA MO ANG
My girlfriend is a fangirl
Teen FictionSa buhay, may mga bagay tayong laging ipinagdarasal. Halimbawa ay ang maka pasa sa board exam, o di kaya naman ay manalo sa lotto, o kaya minsan pag inumaga ka na ng uwi ay sana wag kang pagalitan ng iyong magulang. Pero si Chichay ay hindi tulad ng...