Chapter 7 | Hanggang kailan
"Mas kailangan mo yan."
"No chay, I don't need that."
"Wag ka ngang pasaway. At sabi ko wag mo akong tawaging 'Chay'. Ang pangit pakinggan."
"Anung pangit?? Ang cute kaya ng pangalan mo."
Kinurot pa niya ang pisngi ko. Grabe, lahat na ata ng dugo ko umakyat sa mukha ko. Iba talaga tong si Jeremy.
"Oh, bakit ka natahimik?"
Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nawalan ng boses. Ang tindi mo kasing magpakilig.
"W-wala ! Ang kulit mo kasi..." hindi ako makatingin sa kaniya. Doon na lang ako sa hand-outs bumaling.
"Bakit ang pula ng tenga mo?" pinitik niya ang tenga ko. Lumayo naman ako ng kaunti. Lumapit naman siya. "Bakit ka namumula?"
Maloko talaga to. Nananadya ata tong mokong na ito eh. Dalawang linggo na siya dito sa school. Yung iba nasasanay na. Yung iba naman araw-araw pa rin nag papapicture. Samantalang ako, avid fan, dalawa palang ang picture namin at GROUP picture pa ito sa iPad ni Janella.
Natupad ang wish ko : maging mag kaibigan kami ni Jeremy.
Pero hindi lang siya ang nakaka sama ko, pati na din si Gino na sobrang kulit.
"Ui chay, pansinin mo naman ako."
Isa pa yan, ang pag tawag niya sa aking ng Chay. Sinasabi ko sa kaniya na iritable ako pero ang totoo ay umabot na sa mars ang puso ko sa sobrang kilig. Wala pang tumutawag sa akin niyan. Siya ang kauna-unahan.
"Sabi ko kasi sa'yo basahin mo yan. Wag ka pasaway." tinuro ko sa kaniya ang chapter 5 ng book.
"Paano ako hindi magiging pasaway kung ayaw mo naman ako pansinin."
Ayan na namam po siya, Lord. Simula nung naging magkasama kami, palagi na siyang ganito. Napaka presko niya. Don't get me wrong, I mean it's okay, kaso natatakot ako na baka dumating sa point na mafall ako sa kaniya. Mahirap kayang mainlove sa idolo mo, bukod sa imposible siyang abutin, wala yang oras sa mga pag-ibig na ganiyan.
"Jeremy kung ako sa'yo ---"
Naputol ang sasabihin ko dahil bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Wala pang nakaka lapit ng mukha nila sa akin. Halos makita ko na ang repleksyon ko sa kaniyang magagandang mata. Ang mainit niyang hininga ay nararamdaman ko sa aking baba. Napa awang ang bibig ko.
"Wag kang gagalaw. Wag kang sisigaw." bulong niya sa akin. Dahan-dahan niyang itinataas ang kamay. Pumikit ako. This is it. This is really really is it ! Magkaka first kiss na ako at si Jeremy pa ang mag bibigay nito.
Naramdaman ko ang pag galaw ng buhok ko.
"Chichay..."
Dumilat ako. Isang butiki ang bumulaga sa akin. Napa atras ako ng kaunti. Tumawa siya habang tinitingnan ang butiki na gumagalaw sa kamay niya.
"Itapon mo nga yan, Jeremy." sabi ko sa kaniya. Umiling siya. Tumayo ako at lumayo pero inilapit niya pa rin sa akin.
"Yiiii, Chichay oh. Pakiss daw."
Hinahawi ko siya. Hindi naman ako nandidiri pero ayokong hawakan dahil madumi yan. Buti sana kung yan yung mga binebenta sa pet store.
"Buti sana kung ikaw yan, papayag ako mag pakiss, kaso reptile yan eh. Cold blooded animal."
BINABASA MO ANG
My girlfriend is a fangirl
Teen FictionSa buhay, may mga bagay tayong laging ipinagdarasal. Halimbawa ay ang maka pasa sa board exam, o di kaya naman ay manalo sa lotto, o kaya minsan pag inumaga ka na ng uwi ay sana wag kang pagalitan ng iyong magulang. Pero si Chichay ay hindi tulad ng...