Kabanata 8

518 17 3
                                    

Chapter 8 | Hindi ka mawala

"Okay ka lang?"

"Hala umiyak ka ba?"

"Malalagpasan mo din yan !"

Yan lang naman ang mga halimbawa ng mga salitang sinabi sa akin ng mga buang kong klasmeyt. Hindi naman kami close. Kung makapag salita sila sa akin akala mo kilala nila ako ng todo.

"Hoy Chichay ! Hindi ka ba naka uwi sa dorm? Bakit ganyan itsura mo. Mukha kang naka drugs." dumagdag pa itong si Janella. Hindi ako late pero wala naman kaming klase sa lahat ng subject maliban fourth subject.

Namamaga kasi ang mga mata. May bags ang eye bags ko. Maputla ako. Oo, mukha akong high ! Hindi ako nakatulog kagabi. Kanina lang ako nakatulog mga dalawang oras. Tapos malaman-laman ko na lang na wala kaming mga teacher.

Pagkatapos nung nangyari sa amin ni Jeremy, sino ba namang nasa tamang pag iisip ang makakatulog?! Hindi ako napuyat dahil sa kamuntik na akong mamatay, kungdi dahil sa "saving" moment ni Jeremy.

Para bang ako yung 'Damsel in distress' tapos siya naman yung 'Knight in shining armor' ko. Kamuntik na akong mawala sa mundong ito pero yun pa rin ang nasa isip ko.

"Alam mo Chichay minsan nag aalala na ako sa'yo. Simula nung dumating si Jeremy dito, para ka na lang laging may problema. Di ba nga dapat masaya ka pa?"

'Nag aalala'... yan din kaya yung naramdaman ni Jeremy kagabi kung bakit siya bumalik?

"Okay lang naman ako." ayun at nagawa ko ring mag salita.

"Ikaw, okay? Eh mukha ka ngang sinakluban ng langit at lupa diyan eh. Anu bang problema mo?" tanung ni Janella. Tumabi siya sa akin at inilapit ng kaunti ang mukha.

Napaka ganda talaga ng babaeng ito. Kahit walang make-up rosy cheeks pa rin siya. Tapos pink yung lips at ang mga pilik mata na nag papadepina sa kaniyang mata. Snow white ang kulay ng kaniyang balat. Makintab at diretso ang kaniyang buhok. Marami ang inggit dito sa baliw na ito pero wala siyang pakialam. Yun lang din ang gusto ko sa kaniya, alam niyang maganda siya pero hindi niya ito ipinag mamalaki katulad nung iba diyan na mga feeling maganda.

"Si Jeremy kasi...." panimula ko. Wala siyang imik. Kinagat ko ang ibabang labi ko. I trust her kaya ikekwento ko ang lahat.

"NO FVCKING WAY !!!!" napamura siya ng napaka lakas. Pinagtinginan naman kami ng mga estudyante at may ilang guro na napa iling. Hinila ko ang mahaba niyang buhok.

"Wag ka ngang OA !" bulong ko sa kaniya.

"Anung wag OA?! Si Jeremy dapat yung sabihan mo nun!" humagikgik ang gaga sa tabi ko. Kinikilig siya.

"Pero ikaw ba ang nag sabi sa kaniya tungkol dun sa pizza?" tanung ko sa kaniya. Kanina ko pa kasi talaga gustong itanung yun sa kaniya. Curious kasi talaga ako kung paano niya yun nalaman.

"Huh? Anu ka tanga?! Edi pag sinabi ko yun baka ibinulgar mo na din ang sikreto ko." humalukipkip siya.

Nagkibit balikat naman ako. "Naniniguro lang naman."

Wala na naman si Jeremy. Hindi na ako nagulat dun dahil sabi niya kagabi sa akin ay may shooting pa daw siya.

Kasama niya kaya si Ligaya? May bago silang project? Sila kaya?

"Hello !!" biglang sulpot si Marlo at Daniel. Tumabi sila sa amin. Agad umakbay si Marlo sa nobya niya.

"Kamusta ka naman Chichay?" tanung ni Daniel. May dala siyang isang tray ng tsitsirya.

My girlfriend is a fangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon