Kabanata 20

462 13 3
                                    

Big thanks to @akosirhovine for my new beautiful cover ♡ !

-----

Chapter 20 | Merry Christmas

Malakas ang hangin na humahampas sa mga mukha namin. Nakasakay kasi kami sa bangka na mas maliit kesa dun sa nag hatid sa amin. Mga kinseng tao lang siguro ang kasyad dito. Nag island hopping kasi kami kaya medyo basa na ako.

Naka two piece si Janella samantalang ako ay short shorts lang at knitted na sando. Hindi rin kasi ako sanay na talagang ipinapakita ang katawan, lalu na't wala naman maipapakita.

Katabi ko si Jeremy na busy sa pag picture ng kung anu-ano. Pareho sila ni Janella. Picture dito. Picture doon.

"Tayo nga." biglang itinaas ni Jeremy ang cellphone niya at itinapat sa amin.

Nag dikit ang mukha namim at nag smile ako. Pareho kaming naka shades. May pagka blue yung sa kaniya sa akin ay parang salamin ni Harry potter pero black ang lens. Naka flower crown ako dahil binili yun ni Janella para sa aming dalawa.

Biglang kinuha ni Jeremy ang pulso ko at mabilis na pinicturan ang henna tattoo.

"Hala ! Anu na naman yan?" tanung ko sa kaniya. Hindi siya sumagot. Sinilip ko ang ginagawa niya. "Oy issue ka !!"

Hinampas ko siya sa ulo ng makita kong pinost niya ito sa instagram niya.

"Masakit yun ah!" sabi niya habang hinihimas ang ulo.

"Ehh bakit mo pinost yun? Baka mabash ako." humalukipkip ako sa tabi niya. Humarap siya sa akin.

"Kilala ka ba nila?" itinaas niya ang kilay niya sa akin.

Umirap lang ako. Kinurot niya ang pisngi ko.

"Ang cute-cute mo talaga Chichay !!" sabi niya.

Hinawi ko yung mga kamay niya. Pinagtawanan ako nila Janella at inasar na mapula daw ang pisngi ko. Hinampas ko lang si Jeremy. Kung alam lang nila na hindi dahil sa kurot ni Jeremy ang pagka pula ng pisngi ko, baka lalu lang nila ako pinagtawanan. Aga-aga kinikilig ako. Kahit hindi nakakain, nabubusog na ako.

"Dito tayo mag snorkling?" tanung nung daddy ni Marlo dun kay kuya Manong na nasa harapan.

"Opo ser."

Inabutan nila kami ng goggles na may tube sa gilid. Pakshet na yan !! Wala naman akong alam sa pag langoy. Paano ko ito maeenjoy?!

"Tara?" tanung ni Jeremy.

Iniwan na ako ni Marlo at Janella. Mababait na kaibigan nga naman sila. Malilintikan yun sa akin mamaya.

"Okay lang ako dito. Ikaw na lang." sabi ko kay Jeremy ng naka ngiti. Ayoko sabihin na hindi ako marunong lumangoy. Baka maturn-off siya.

Natawa ako sa sarili ko, paano siya matuturn-off kung hindi naman niya ako gusto? HAHAHAH CHICHAY ! Lawak ng imagination mo.

"Hindi ka marunong lumangoy no?" may malokong ngiti si Jeremy sa mukha niya. Lumihis ako ng tingin sa kaniya. Tumawa siya at hinawakan ang baba ko para magka tinginan kami.

"Nandito naman ako. Hindi kita pababayaan." malambing niyang pagkakasabi. Malalim ang pinaghugutan ni Jeremy. May pinag dadaanan lang?

Bigla siyang nag hubad ng tshirt. Nag landing ang nga mata ko sa abs niya. Kita pa kamo yung v-line niya. Grabe !! Pakiramdam ko namumula na naman ako lalu na nung tumawa siya.

Bumaba siya sa gilid ng bangka. May maliit kasing hagdanan dun. Binasa niya ang ulo niya sabay tingin sa akin.

"Halika na dito. Baba ka sa hagdan." tinuro niya ito. "Aalalayan kita."

My girlfriend is a fangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon