Warning : A small inappropriate scene lol XD . Read at your own risk
-----
Chapter 38 | Ang sakit
"Uuwi ako dyan para kalbuhin ka !!" sinigawan ko si Janella sa Skype. Nasa mukha niya ang kaniyang kamay habang umiiling. "How could you do this to me? I'm your bestfriend !"
"Pwede ba Chichay? Wag kang mag MMK dyan." sabi niya sa akin. "Hindi ka man lang ba natutuwa dahil nandyan siya?"
"Do I look happy?" nilapit ko nang kaunti ang mukha ko sa screen.
"Oh stop with that english thingy ! " umirap si Janella sa akin. Sumandal ako sa upuan at tsaka humalukipkip. "Anu ba ang ikina uusok ng ilong mo?"
Bumuntong hininga ako at lumingon sa gilid. Naka tingin ako sa kama. Hindi diretso sa kama kungdi doon sa lalaking naka higa.
Nag bar kasi sila kagabi. Binili nila ako ng isang blouse para lang makasama sa kanila.
Nung umpisa, medyo okay dahil palipat-lipat sila. Mga one hour kada bar pero pag dating sa huli, hindi na sila umalis.
Nag sasasayaw sila doon. Umiinom ako pero kaunti lang. Pag alam kong malapit na ako bumigay, humihinto na ako. Sila Mardeth ay sige lang nang sige. Palibhasa hindi kami masyadong nakakalabas.
"Hi !" lumapit ang isang blonde guy sa akin. Siya yung typical americano na may blue eyes. "Can I buy you a drink?" tanung niya.
Umiling ako. "No I'm okay." ngumiti ako sa kaniya.
"Do you want to dance?" tanung niya ulit.
Hindi ito titigil hangga't hindi ako sumasagot ng "Sure" or "Yes"
"Is there any problem here?" tanung ni Jeremy. Naka awang ang bibig ko dahil dapat sasagot na ako pero bigla siyang lumitaw.
Kanina lang ay nasa dance floor siya, ngayon naman ay nandito na siya. Ganyan ka ba talaga ka bilis Jeremy pag dating sa akin o sadyang madami lang ang nainom ko kaya hindi ko napansin na malapit ka lang sa akin.
"I'm just asking her if she wants to dance." sabi nung blonde kay Jeremy.
"Well she doesn't want to, so why don't you run along and mingle with your other single friends." pabalang na sinabi ni Jeremy.
Umamba yung lalaki kaya tumayo ako sa gitna nila. Hindi sila napapansin ng mga tao dahil maingay masyado.
"He's drunk. I am so sorry." maayos kong sinabi dun sa lalaki.
Tiningnan niya ng masama si Jeremy bago tuluyang umalis. Nang mawala na siya sa crowd ay tsaka ako lumingon kay Jeremy na naka tingin na pala sa akin.
"Anung problema mo? Bakit mo siya kinausap ng ganun?" tinuro ko siya.
Nanlaki ang mga mata niya, "Ako pa talaga ang may kasalanan?! Eh ikaw na nga itong nilalandi eh."
"Dahil sa ginawa mo muntik ka nang mapahamak. Mag kakagulo pa dito at magkaka issue ka pa !" kinuha ko ang gamit ko at tumingin ulit sa kaniya, "Sa susunod, isipin mo munang mabuti ang mga gagawin mo."
Nag walk-out ako palabas ng bar. Mabilis akong naka sakay ng bus. Tinext ko sila Mardeth at sinabing sumama ang pakiramdam ko kaya nauna na ako.
Totoo naman halos ang kalahati nun. Sumama ang pakiramdam ko dahil sa ginawa ni Jeremy. Okay lang kahit hindi ako umuwi, pero hindi ko makakayanan na nasa iisang lugar lang kami.
BINABASA MO ANG
My girlfriend is a fangirl
Teen FictionSa buhay, may mga bagay tayong laging ipinagdarasal. Halimbawa ay ang maka pasa sa board exam, o di kaya naman ay manalo sa lotto, o kaya minsan pag inumaga ka na ng uwi ay sana wag kang pagalitan ng iyong magulang. Pero si Chichay ay hindi tulad ng...