Kabanata 2

751 13 0
                                    

Chapter 2 | Jacket

Sobrang lamig ng pawis ko. Kanina pa ako nag hahabol ng hininga. Hindi ako makatigil sa pag takbo.

*Arf !! arf !!*

Nasa likod ko pa ang dalawang askal na aso. Ang lalaki nila para sila yung nasa Harry potter na tatlo ang ulo. Well, OA na yun, joke ko lang yun pero malalaki talaga sila. Hindi alam kung may amo sila dahil may collar silang suot.

Oo, kahit nag papanic akong tumatakbo ay nagawa ko pa din icheck ang collars na suot nila. Isang kulay itim at kulay brown. Ang lalaki ng mga paa nila. Takbo lang ako ng takbo. Hindi ko alam kung saan ako napapadpad. Pinihit ko ang ulo ko at tumingin sa likod. Nakita ko ang matutulis na ngipin at nag lalaway na bibig nung mga aso.

Pakhard !! Wrong move pala yun. Lalu akong nagpanic. Lumiko ako ulit at nanlaki ang mga mata ng makita kong dead end na. Wala na akong ibang matatakbuhan. Mamatay ako dito. Bakit ba kasi ako ang hinabol nila? Nag 'Hi doggie' lang naman ako sakanila. Sa susunod hindi na ako mamamansin ng kahit na anung hayop.

Humarap ako sa dalawang hellhounds. Ito na ang huling hinga ko. Mamamatay akong walang boyfriend. Mamamatay akong hindi man lang nakakapag tapos ng kolehiyo at higit sa lahat, mamamatay ako ng hindi man lang nakikita si Jeremy ng personal. Hindi ko man lang nahagip ang kaniyang kamay o kahit man lang ang amoy niya. Unti-unti silang lumalapit at galit na galit.

Mukha ba akong pusa? Mukha ba akong buto? Nakakainsulto ang mga asong ito. Umatras ako hanggang sa dumikit na sa pader ang likod ko. Umamba na ang aso. Napapikit na lang ako, hinihintay ang pag lapat ng mga ngipim nila sa leeg ko. Pero wala akong naramdaman. Isang pito ang narinig ko at umtras ang dalawang aso. Bumaba ang kanilang mga buntot at tumaas ang tenga. Umupo sila at biglang naging maamo.

"Riot. Danger. Come here." matapang na tawag ng isang lalaki mula sa kanilang likuran. Agad silang tumakbo papunta roon. Naka hinga ako ng maluwag. Lumapit sa akin ang lalaki. "Okay ka lang ba Miss?"

Nang magkalapit na ang lalaki ay halos malaglag ang panga ko. Kilala ko ito. Hindi ako makapaniwala na nakatayo siya sa harapan ko.

"Miss, okay ka lang?"

Tumango ako at hinawakan niya ang braso ko. Hinila niya ako palabas ng eskinita. Nakita ko na ng tuluyan ang kaniyang itura. Blanko ang kaniyang eksresyon. Maliliit ang kaniyang mga labi at kulay itim ang kaniyang mga mata. Payat siya at mas matangkad sa akin. Bagsak ang kaniyang buhok.

Si Gino Padilla !

Siya ang madalas kasama ni Jeremy sa mga palabas. May kaunting comercials siya pero mas kilala siya bilang vocalist ng 'Before the war'. Siya din ang lead guitarist nila. Nakita ko na hawak ng isang lalaki na naka kulay itim at naka shades ang dalawang aso na humabol sa akin. Naging mukhang maamo ang dalawa na kanina ay parang gutom na gutom.

"Nakagat ka ba? Nakalmot? Anu?" bigla niya akong inikot dahan-dahan. Hindi ako makapaniwala na ang lalaking kinababaliwan ng mga babae ay iniinspeksyon ang katawan ko. Nako, marami ang halos mamatay mapunta lang sa pwesto ko. "Ui ! Mag salita ka naman."

"Sir, baka pipi yan." singit nung lalaking nasa gilid niya. Bodyguard ata. Kumunot ang noo ko.

"Hoy ! Hindi ako pipi ah. Marunong akong mag salita."

Napa atras ng kaunti si Gino. Nagulat siya sa bigla kong pag sasalita. Inayos ko ang bag ko at palda. Kakauwi ko lang galing school at ganoon ka agad ang nangyari sa akin.

"Pasensya ka na sa mga aso ko ah. Hindi ko alam na nakakawala na naman sila. Hindi ikaw ang una nilang nabiktima." natawa siya sa sinabi niya sa dulo. Inirapan ko naman siya. "Taga saan ka ba? Ihatid na lang kita."

My girlfriend is a fangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon