Chapter 21 | Manliligaw
Jan. 04, 2015
Ayan ang isinulat ko sa ibabaw ng aking yellow pad. Pinapagawa kasi kami ng 'My Christmas Vacation' na essay ng English teacher namin.
Tinatamad ang iba. Kahit ako ganun din. Paano ka ba naman kasing hindi tatamarin kung halos lahat ng kaklase mo ay wala pa. First time lang ito nangyari. Wala pa sa bente ang mga kaklase ko. Ang iba nga ay may hang-over pa.
"Chichay, pakopya na lang ako." biglang litaw ang isa kong klasmeyt na ngayon lang ako kinausap.
"Pwede ba yun? Mag kaiba tayo ng pasko na dinanas." sabi ko sa kaniya.
Nag make face siya at bumalik sa upuan niya. Hindi ko alam kung isusulat ko ang masayang pasko na dinanas.
Ilalagay ko ba dito na kasama ko si Jeremy? Ipaglalandakan ko ba sa papel na ito na nakipag landian lang ako buong pasko? Ipapabasa ko ba kay ma'am ang precious moment ko?
"Chichay !!" nagulantang ang buong klasrum pagkapasok ni Jeremy sa harapan.
"Mr. Gil ! Ikaw na nga itong late, ikaw pa itong may ganang mag ingay." mataray na sinabi ni Mam sa kaniya. Mukhang may hangover din ata tong si mam.
"Sorry po ma'am." sabi ni Jeremy sabay nag peace sign.
Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang pag tawa.
"Anu gagawin?" tanung ni Jeremy. Hinila niya ang bakanteng upuan sa gilid at idinikit sa akin.
"Mag susulat lang ng essay." sabi ko sa kaniya habang naka yuko. Introduction pa lang nagagawa ko amputcha. Maya-maya ipapasa na ito.
"Pahingi nga ng papel." kalabit niya sa akin. Tiningnan ko siya at nanlaki ang mga mata.
"Bakit wala kang bag?" tanung ko sa kaniya.
"Dapat kasi hindi ako papasok. Eh sinabi ni Janella na nandito ka kaya nag half-day ako sa set." kumindat si Jeremy sa akin.
"Adik ka talaga. Baka mamaya mapagalitan ka." sabi ko sa kaniya sabay abot ng papel.
"Okay. Basta para sa'yo."
Pinaikot ko yung mga mata ko sabay abot din ng extrang ballpen.
Pagkatapos ng ilang minuto...
"Ayan. Tapos na." sabi ni Jeremy. Nakita ko ang papel niyang back-to-back na may nakasulat.
"Ang haba naman niyan!" nagulat ako. Sinita kami ni mam kaya nag sorry ulit ako.
"Di ba tungkol sa Christmas Vacation?"
Tumango ako.
"Madali lang naman ikwento iyon dahil ikaw ang kasama ko. Tandang-tanda ko ang lahat."
Kumunot ang noo ko at kinuha ang papel niya na wala lang sa kaniya. Nalaglag ang panga ko ng makita ko ang papel niya. Halos puro pangalan ko ang nakita ko sa yellow paper niya.
"Masyado ka namang exaggerated." sabi ko sa kaniya sabay sauli nung papel niya.
"Bakit ikaw hindi?" tanung niya at sinilip yung papel ko na kaagad kong hinarangan.
"Hindi pa ako tapos." sabi ko sa kaniya. Pero hindi siya nag paawat. Ang totoo ay tapos na ako pero maiksi lang at isang beses ko lang binanggit ang pangalan niya.
"Mr. Gil & Ms. Bernardo !" natigil kami sa pag aagawan ng papel. "Mula sa pinapakita niyo, mukhang tapos na kayo sa pinapagawa ko."
BINABASA MO ANG
My girlfriend is a fangirl
Teen FictionSa buhay, may mga bagay tayong laging ipinagdarasal. Halimbawa ay ang maka pasa sa board exam, o di kaya naman ay manalo sa lotto, o kaya minsan pag inumaga ka na ng uwi ay sana wag kang pagalitan ng iyong magulang. Pero si Chichay ay hindi tulad ng...