Kabanata 31

375 6 2
                                    

Chapter 31 | Wag lang siya

"Hindi kayo pwede. Stop this before I stop it."

Paulit-ulit ang mga salitang yan sa isipan ko. Kahit na ngayong naka labas na kami ng studio at papunta kami sa kung saan, naririnig ko pa rin ang boses ng handler niya. Para akong sinusuntok ng paulit-ulit.

"Babe..." hinawakan ni Jeremy ang kamay ko habang ang isang kamay niya ay nasa manubela. Medyo malamig ang kamay niya. What more naman kaya ang akin.

"Hmmm?" lumingon ako sa kaniya. Nag park siya sa gilid.

"Say something..." nag aalala siya. Kita ko sa mukha niya. "I shouldn't brought you there. Mali ko ito at ayokong mag-isip ka."

Hinawakan niya ang pisngi ko. Napapikit ako dito.

"Wag mo na lang isipin iyon..." sabi niya.

"Hindi ko inaasahan na ganun ang magiging reaksyon niya." ani ko sa kaniya.

Hinawakan niya ulit ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. "I know babe. I'm really sorry."

Hindi na namin ulit pinag-usapan ang issue na iyon. Papunta kami ngayon kila Janella. Hindi pa kasi nila alam na naka uwi na si Jeremy.

"Sasabihin ba natin?" tanung niya pagka park sa labas.

Tumango ako. "Ayokong mag tago ng sikreto sa kaniya. Siya lang din ang napag sasabihan ko ng problema."

Sabay kaming lumabas ng sasakyan. "Kahit minsan naman babe pumayag ka na pag buksan kita ng pintuan."

Tumawa ako at umakbay siya. "Ang bagal mo kasi." jinoke ko siya.

"Kahit na. Let me be a gentleman."

Kinurot ko ang tagiliran niya. Ang kulit kasi.

Pinagbuksan kami ng katulong nila. Hindi namin pinasabi na kami ang dumating.

Pagka pasok namin ay nanunuod ang dalawa ng nakakatakot na movie.

"Manang sino po yung ---"

"WAAAAAAAH !!!"

Sabay nalaglag sa sofa ang dalawa. Ginulat namin sila saktong pagka labas nung multo sa kabinet. Naka takip kasi sila ng unan. Kaya nung ginulat namin ay napatalon sila.

"Huwalangya kayong dalawa !!!" binato kami ni Janella ng unan. Halos sumakit ang tyan namin sa kakatawa. Ang naka simangot niyang mukha ay unti-unting lumiwanag. "OH MY GOSH JEREMY !!!"

Tumalon siya mula sa sofa at yumakap kay myloves. Si Marlo naman ay nakipag high-five.

"Kailan ka pa dumating?" umupo kami sa dining table. Nag hain si manang ng cake, donuts at chips.

Dahil nandito naman ako sa bahay nila, okay lang na kumain ako ng ganito.

"Kagabi lang." sagot niya at tsaka kumuha ng donut.

Kumuha din ako ng isa. Kinamay ko ito at kinagat.

"Kagabi pa?! Bakit ngayon lang kayo nag pakita?!" OA na tanung ni Janella.

"May ginawa pa kasi kami...." sagot ni Jeremy.

Nanlaki ang mata ni Janella at Marlo.

"ANU GINAWA NIYO?!"

Napalingon ang mga katulong nila sa amin. Ang OA talaga nito. Mukhang bolang maliit ang mukha ko dahil sa nakabukol na donut sa pisngi ko. Umiiling ako kila Janella dahil hindi rin ako makasagot.

"Wala kaming ginawang masama !" nilulon ko ang kinakain ko.

"Edi anu ang pinagbisihan niyo?"

Tumingin kami ni Jeremy sa isa't-isa. Bumuntong hininga ako at nag kwento kay Janella. Sinabi ko lahat sa kaniya.

My girlfriend is a fangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon