I am so sorry for the slow update. Medyo busy lang. Para makabawi sa inyo, here are two chapters :) !
And kung may 'Already Gone' readers dito, I just want to say that the update will be probably next week.
Thank you and Enjoy xoxo
-----
Chapter 39 | Swerte
For the first time in this program, hindi ako nakasagot sa simpleng tanung ng aking professor. Buti na lang at nasa good mood si Sir.
"Okay ka lang Chichay?" tanung ni Vinty habang kumakain kami sa student union.
Tumango lang ako at nag patuloy sa pagkain. Tahimik ako buong araw. Alam ko na napapansin nila iyon, sadyang ayaw lang talaga nila mag salita.
Pagka akyat ko sa kwarto ay nagulat ako sa naabutan ko sa may pintuan. May teddy bear at bulalak. Kinuha ko ito at tsaka pumasok sa loob ng kwarto.
Hope you had a great day
xoxo J
Iyon ang naka lagay dun sa card sa may bulaklak. Napa irap na lang ako at umupo sa may kabisera.
Kung alam lang niya na nahihirapan ako mag focus, hindi yun ang ilalagay niya sa card. It's been two weeks since that incident. Hindi ko nga sinasabi kay Janella eh. Hindi ko alam kung sasabihin ko.
Anu din naman ang sasabihin ko? Na may nangyari sa amin ni Jeremy kahit break na kami? Na nakikipag balikan siya ulit?
Pag sinabi ko yun, panigurado iba't-ibang klase ng mura ang matatanggap ko. Pag sasabihan ako nun hanggang sa dumugo ang tenga ko.
"Anu ba ang gagawin ko?" inuntog ko ang ulo ko sa lamesa. Yup, I'm being dramatic. Mas madrama pa ang lovelife ko kesa sa Twilight.
"Chichay !!" biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Valentine.
Kailangan ko talagang matutong mag lock ng pinto pag nasa loob ako dahil ang mga magagaling kong kaibigan ay hindi marunong kumatok.
"Okay ka lang?" tanung niya sa akin.
Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Anung pinag sasasabi mo dyan?! Malamang okay lang ako."
"Sabi nila hindi ka daw naka sagot sa tanung ni Sir !" ang OA naman ng lalaking ito.
"Parang yun lang?!" tumayo ako at nag punta sa kusina para kumuha nang maiinom. "Masyado naman atang big deal ang pang yayaring iyon."
"Big deal sa amin dahil ikaw lang talaga ang hindi pa nagkaka mali tsaka ibig may malalim kang iniisip." umupo sa may kitchen counter si Valentine at kinuha yung baso ko.
"Ewww ! Kumuha ka ng sa'yo." binawi ko ulit iyon at nag punta sa sala. Sumunod naman siya sa akin.
"Kanino to galing?" tanung niya sabay kuha nung boquet.
Sheet ! Hindi nga pala nila alam na may nanliligaw sa akin, ulit. Hindi niya alam na pinsan niya iyon.
"J? Who's J?" naka tingin siya sa card.
"Wala yan. Wag mo na yan pansinin !" sabi ko sa kaniya.
Ngumuso siya sabay tingin sa akin, umiling lang ako at tumalikod sa kaniya.
Nabuhusan ko ng juice ang taong naka tayo sa likuran ko. Naka puting polo shirt pa naman siya at straeberry juice ang laman ng basoko. Para siyang babaeng natagusan, yun nga lang, nasa itaas ang dumi.
BINABASA MO ANG
My girlfriend is a fangirl
Teen FictionSa buhay, may mga bagay tayong laging ipinagdarasal. Halimbawa ay ang maka pasa sa board exam, o di kaya naman ay manalo sa lotto, o kaya minsan pag inumaga ka na ng uwi ay sana wag kang pagalitan ng iyong magulang. Pero si Chichay ay hindi tulad ng...