Chapter 3 | Cinderella
Dalawang linggo !!
Dalawang nakaka iritang linggo ang dumaan.
Natapos na ang pesteng first semester finals namin. Biruin niyo yun, nag review ako ng mabuti. Nag sunog ako ng kilay tapos wala naman yung inaral ko !
Hashtag student problem number 1277 - kahit anung gawin mong pag-aaral, kahit gustuhin mong makapasa, kung wala naman ang inaral mo sa exam paper, wala ka ring mapapala.
Halos iuntog ko sa pader ng banyo ang aking ulo. Pero hindi ko ginawa dahil masakit yun AT baka magka amnesia ako. Pag nagka amnesia ako, makakalimutan ko si Jeremy my love so sweet. Mas pipiliin ko na lang na magkaroon ng malaking bukol at pag tawanan kesa mawalan ng memorya at ng minamahal.
ECHOS !!! CHICHAY ANG OA MO !!
Dalawang mahabang linggo na din ang dumaan simula nung nawala ang jacket ko. Ay hindi, cross that word 'nawala', palitan ng 'kinuha'. Dalawang boring na linggo na din ang dumaan simula nung kinuha ang jacket ko. Hindi basta-basta tao ang kumuha nito. Isang prinsipe na mukhang anghel ang kumuha ng jacket ko.
Pero napapa isip din ako dun. Paano niya naisuot ang jacket ko ?! Bakit yun nag kasya ?! Ganun ba kaliit yung katawan niya ?! OR Ganun KALAKI ang katawan ko ?!
Hala, nakaka hiya naman yun -__- !
"Hoy Chichay ! Kanina mo pa hinahawakan yang katawan mo. Anu bang problema mo?" tanung ni Janella habang nag susuklay.
"Janella, mataba ba ako?"
Tumawa siya ng malakas at humarap sa akin. Bagong ligo kasi siya. "Ikaw, mataba?! Hahaha ! Alam mo ba na lahat ng damit na iniregalo ko sa'yo ay kinuha ko sa Children's wear section. Size XXL"
Nag make face ako sakniya. "Maging seryoso ka naman kahit minsan."
"I am serious, Chichay ! Hindi ka mataba. Ang payat mo kaya."
Natahimik ako. Hindi ako umimik.
"Mayroon kang hindi sinasabi sa akin." naging seryoso ang tono at mukha ni Janella. Lumapit siya sa akin at lumuhod. Hinawakan niya ang aking kamay. "Chichay umamin ka..."
"Anu yun Janella?" kumunot ang noo ko. Inilapit niya ang mukha niya sa akin.
"Buntis ka ba?!" pabulong niyang tanung. Seryoso siya. Napa awang ang bibig ko.
Humagalpak siya sa tawa at napa upo sa sahig.
"Ugh !! Gaga ka talaga !!" binato ko siya ng unan.
"Sana nakita mo yung mukha mo ! Hahaha mukha kang tanga."
Napaka bait talaga ng mga bestfriends natin no? Pagkatapos kang akusahin na buntis ay bigla na lang tatawa at ikaw pa yung tanga. Well, kung mukha akong tanga, mukha naman siyang baliw.
Babatukan ko na sana siya kaso biglang may kumatok sa kwarto niya. Yes, nandito kami sa bahay niya. And Yes, hindi sila natuloy mag bakasyon sa ibang bansa. Umalis kasi ang magulang niya at naiwan siya dito at ang kaniyang batang kapatid. Kaya dito ako ngayon nag iistay. First week of sembreak pa lang naman, may dalawang linggo pa.
"Halu bebe !!" bati ni Janella sa kaniyang pawisang boyfriend. Madalas talaga tong pawis tuwing nakikita ko. Masyadong athletic. "Andito si Chichay."
Nasa loob kami ng kwarto niya at ang kwarto niya ay may maliit na sala. Hindi ka makikita ng taong papasok dahil may paliko papunta sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
My girlfriend is a fangirl
Teen FictionSa buhay, may mga bagay tayong laging ipinagdarasal. Halimbawa ay ang maka pasa sa board exam, o di kaya naman ay manalo sa lotto, o kaya minsan pag inumaga ka na ng uwi ay sana wag kang pagalitan ng iyong magulang. Pero si Chichay ay hindi tulad ng...