Chapter 44 | Forever
"And cut ! That's a wrap people !" pumalakpak ang director at agad kaming tumakbo sa tent. Hindi ganun kadami ang mga fans na nanunuod.
Mabilis dib kumalat na ako ang girlfriend ni Jeremy. Mas mabilis pa ata sa hangin ang pag lipad ng mga issues. Buti na lang at totoo ang kumalat. Mahirap na pag hindi ito totoo.
"That was perfect !" sabi nung direktor sa amin pagka lapit niya. "The both of you are perfect." hinawakan niya ang pisngi namin.
"Well, she's perfect." sabi ni Jeremy sabay akbay sa akin. Nag tilian naman ang mga make-up artists.
Perfect?! Is that the word of the day? Perfect is a strong word.
Ngiti lang ang ginagawa ko. Hindi ko alam kung paano gumalaw sa ganitong eksena.
Yung ginawan namin ng commercial ay isang brand ng pabango. Ngayon lang nila kinuha si Jeremy at siya ang pinaka bago nilang endorser. Isang typical commercial lang ito.
Yung lalaki ay nilagyan ng panyo sa mata.
"Find me..." bulong nung babae sa lalaki at nag laro sila. Nag hanapan sila at dahil sa pabango na ginamit nung babae, nasundan siya nung lalaki.
"Found you..." sabi niya mula sa likuran. Naamoy nung babae yung pabango nung lalaki at napansin na pareho sila ng amoy.
In short, parang couple perfume ang inendorse. Medyo corny pero ayos naman. Simple lang at hindi kami nagkamali.
Pumunta na ako sa sasakyan pero si Jeremy ay sumaglit sa kaniyang mga fans. I can see how much he loves them. Napa ngiti akong mag isa. Kung nasa labas ako, baka naisip nila na baliw ako.
Naalala ko kasi yung mga fangirling days ko. Yung mga araw na halos wala na akong makain makapag ipon lang para makabili ng mga magazine at merchandise na may mukha niya. Yung bang, mag papadevelop ka ng pictures niya tapos ilalagay mo sa pader sa tabi ng kama mo. Halos hindi ka na makapag aral dahil gabi na ang teleserye na inaabangan mo.
Lahat nang iyon ay naranasan ko at alam ko na wala pa iyon sa kalahati. Alam ko na mas may matindi pang fan kesa sa akin. Yung bang nakatuon kay Jeremy ang bawat segundo ng buhay niya. Yung fan na ipinagdarasal na sana ay makita na ni Jeremy ang babaeng makakasama niya habang buhay.
Nag papasalamat ako sa fan na iyon. Dahil sa kaniya, nakasama ko si Jeremy. Dahil sa kaniya, pinihit ng Panginoon ang landas namin at pinag bunggo kami.
We dream some things because they are meant to happen. Hindi man ngayon. Hindi man kahapon. Hindi man bukas. Pero balang araw, siguro pagkatapos isang buwan. Isang taon. Makukuha din natin ang ating hinihiniling. Ang ating pinapangarap. Mahirap man sa umpisa, makakayanan pa rin natin itong abutin.
Every arrow needs a bow. Every guitar need strings. Every bird need wings. Every prayer needs faith. Every dream needs hope. Every person needs love.
Alam ko na sa limang fans ni Jeremy, ang isa doon ay mahal na mahal siya. Hindi bilang isang artista o idolo, kungdi bilang isang simpleng tao. Alam ko na yung nag iisa na iyon ay nasira ang puso nang marinig ang balita. Pero gusto kong sabihin sa kaniya na hindi pa tapos ang lahat. May pag-asa pa. Sa umpisa nasaktan siya pero mawawala din yan. Hindi niya ito mapapansin. Ang sakit ay mapapalitan ng saya.
"Hoy Chichay !" nagulat ako nang biglang hinampas ni Jeremy ang salamin ng sasakyan.
Nakita niya ang mukha ko kaya nung sumakay siya ay wagas ang tawa niya.
"Hindi yun magandang biro." hinampas ko siya ng paulit-ulit. Tumatawa lang siya at pinaandar ang sasakyan.
"Saan tayo?" tanung niya.
BINABASA MO ANG
My girlfriend is a fangirl
Teen FictionSa buhay, may mga bagay tayong laging ipinagdarasal. Halimbawa ay ang maka pasa sa board exam, o di kaya naman ay manalo sa lotto, o kaya minsan pag inumaga ka na ng uwi ay sana wag kang pagalitan ng iyong magulang. Pero si Chichay ay hindi tulad ng...