Kabanata 26

415 17 0
                                    

Chapter 26 | Tanggapin mo na lang

"Chichay ! Kalma ka lang. Ang hirap mag lagay ng make-up pag pawisan." reklamo ni Janella sa back stage.

Paano ba naman ako hindi kakabahan kung ang mga kalaban mo ay magarbo ang dating. Talagang bongga ang style nila. Pinag handaan. Samantalang ako, ang tanging pinag handaan ko lang ay ang question and answer portion.

Naisip ko kasi na baka kahit dun sa part na yun ay makabawi ako. Kami kasing mga contestant ang gumawa ng mga tanung na itatanung sa kapwa contestant.

Simple lang ang napili ko : If you're gonna be with any disney character, who will you pick and why?

Hiwalay ang babae sa lalaki. Mag kikita na lang pag rarampa na. Naririnig ko sa labas ng kurtina ang mga hiyawan. Nag uumpisa na kasi ang parada.

At dahil maswerte kami, no sarcasm inserted here, last number ang nabunot ni Jeremy.

"Next na kayo in three minutes." sabi nung bading na may headset. Nasa tapat ko si Tamahome. Este si Jeremy.

Manyak na kung manyak, pero grabe lang. Kung anu-ano ang naiisip ko. Ang lakas ng dating ni Tamahome, este ni Jeremy.

May nakita akong ang costume ay mas gwapo at maganda sa amin pero nung nakita ko na ngayon si Jeremy, ay jusko ! Binabawi ko na ang lahat ng iyon.

Ang costume ni Ligaya at Gino ay sina Nami at Sanji mula sa One piece. Grabe lang ang cleavage ni Ligaya.

Kung nung umpisa ay nahihiya ako super short skirt ko, ngayon, wala na yun sa akin. Nag papasalamat nga ako at yun ang costume ko. May nakita pa ako na parang naka bikini ma may malalaking pakpak.

Pero sa lahat ng lalaki, of course si Jeremy ang pinaka gwapo.

'Go na girl !" tinulak ako nung bading kaya medyo nagulat pa ako.

Sabay kaming nag lakad patungong gitna. Hindi pa siya humaharap ay nag sisigawan na ang lahat. Nakita ko kung paano lumilipad-lipad ang buhok niya sa likod.

"Just hold me." sabi niya at inilahad ang braso. Umabrisyete ako sa kaniya.

Sabay kaming nag lakad papunta sa catwalk. Buti na lang at hindi ako naka high heels. Punong-puno ang auditoruim. Yung iba naka tayo na lang sa likod. Panay ang pag picture nila. Hindi ko alam kung ako ba o si Jeremy ang kinukuhaan nila.

"I LOVE YOU JEREMY !!"

"WOOOH ! ANG GWAPO MO !"

"PAKASAL NA TAYO CHICHAY ! ANG SEXY MO !!"

Tumaas ang confident ko sa sigaw na yun. Kahit na mag-isa lang siya, sa gitna ng maraming estudyante na ito, nag papasalamat ako at napansin niya ako.

"My name is Chichag Bernardo. And I'm Jeremy Gil." nag pakilala kami sa gitna, "Representing the college of BS Biology." sabay naming sinabi.

"WE LOVE YOU JERCHAY !!!!"

Wow ! Sosyal naman yun. May mga fans na kami. I'm sure mga klasmeyt ko yun, pero wala akong pakialam. Ang importante nandyan sila para sa amin.

Naglakad kami pabalik sa gitna. Magka siklop na ang daliri namin. Lumabas muli ang mda kalaban. Mayroong 16 pairs. Maswerte na lang talaga ako kung mapapansin ako, si Jeremy walang problema.

Tiningnan na kami nung mga judge at nag exit.

Sunod ay ang sport attire.

Volleyball ang akin at kay Jeremy....... ayun surfing !!

My girlfriend is a fangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon