Kabanata 28

340 11 1
                                    

Chapter 28 | Akin kaya?

Panay ang shooting ni Jeremy. Kami naman nila Janella ay nag sasight seeing. Iniikot namin ang hyper niyang boyfriend. Masyado nga siyang amaze eh. Akala mo turista.

Break ni Jeremy ngayong araw. Hindi si Ligaya or si Gino ang kasama niya. Si Hope Soberano ang partner niya dito. Maganda ito. Model ang itsura at Fil-am. Bukod kay Ligaya, siya ang ipinapartner kay Jeremy. Pero ayaw ni myloves dahil masyado daw bata at iba ang type niya. Pag tinatanung ko kung sino, ang lagi niya lang sagot ay : Pag tumingin ka sa salamin, dun mo makikita.

"Gusto ko dun !!" biglang hila ni Marlo sa aming dalawa ni Janella. Pumunta kami sa may gilid ng bangin. May harang naman kaya hindi ka malalaglag. Bundok na ang nasa gilid nito pero ang ganda pa din. Napaka galing talaga ng Diyos. Napaka ganda ng tanawin.

Nag picture taking kaming apat. May mga nakakilala kay Jeremy at nag papapicture. Itong si Janella naman ay panay reklamo.

"Dapat pag day-off walang lalapit."

"Anu ka ba! Artista siya. Siyempre natural lang yan sa kanila." paliwanag ko sa kaniya.

Alam ko kung anu ang nararamdaman ni Jeremy. Sinasabi niya ito sa akin. Minsan daw nahihirapan siya. Minsan naman ay sanay na siya. May pagka bipolar ang ogag !

Pero I'm still here for him. Artista man siya o hindi, magugustuhan ko pa rin siya. Ugali pa lang perfect na. Plus points na lang ang looks. Sa sobrang komportable ko sa kaniya, nakaka limutan ko na na artista siya. Nakaka limutan ko na din na fangirl ako. Kahit saglit lang, nagiging parang normal boyfriend/girlfriend kaming dalawa. Kahit saglit lang.

"Gusto mo babe?" tanung niya sa akin. May ipinakita siyang t-shirt na may nakalagay na 'I love Baguio' sa gitna.

"Wag na !" sabi ko at tumingin sa ibang keychain. Nonsense din ang sagot ko dahil bumili siya AT tig-isa pa kami.

"Wag ka nga bili ng bili para sa akin. Ipunin mo na lang yan para sa pamilya mo."

Kinurot niya ang pisngi ko. "Ang sweet-sweet mo talaga !"

"Stop with the PDA !" pajoke na sita ni Janella sa amin.

Nag patuloy kami sa pag-iikot. Ngayon lang ako nakapunta sa isang mall na open. Yun bang dahil sa sobrang lamig ng lugar na ito ay hindi na nila kailangan mag lagay ng aircon, except sa sinehan.

Dahil mahilig sa pagkain si Marlo, kung anu-ano ang binili. May white and dark chocolate flakes. Peanut brittle. Sundot kulangot. Ube Jam. Etc.

As in nag punta kami sa isang simbahan na kumakain siya ng peanut brittle na nasa jar.

Pagka uwi ay dumiretso na sila sa kwarto nila. Inaantok na daw kasi sila. Ako naman ay dumiretso sa banyo para mag shower. Buti na lang talaga at may hot water, dahil kung wala, mahihiya na akong tumabi kay Jeremy.

Isang linggo na kaming magkatabi sa kama. Matutulog akong wala siya sa tabi ko dahil busy sa trabaho pero pagka gising ko, may bulaklak sa lamesa at si myloves ay nasa gilid ko at nag hihilik. Minsan nga nakayakap pa siya. Kung titingnan niyo, iisipin niyo para na kaming mag-asawa. Batang mag-asawa. Natutuwa din ako dahil kahit papaano, kahit saglit ay nag eenjoy kami. Alam ko na napapasaya ko siya at sapat na iyon sa akin.

"Babe?" tawag niya mula sa pintuan.

"Yeah?" sagot ko. Nag boblow dry kasi ako.

"Labas lang ako saglit. May sasabihin lang daw sa akin si Ate Dan."

Yun yung RM niya. Siguro tungkol ito sa shooting niya.

"Sige !" sagot ko.

"Okay. Hindi ako mag tatagal. Love you !"

My girlfriend is a fangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon