Chapter 37 | Start over
"I'm Jeremy..."
Hindi ko alam kung anung isasagot ko. Hinawakan ko ang kamay niya. Ang init habang ang sa akin ay napaka lamig at nanginginig.
Naramdaman ko ang dahan-dahan niyang pag hila sa akin. Hindi nila iyon nahalata. O baka naman guni-guni ko lang iyon? Pero hindi eh. Ang lapit niya talaga sa akin ngayon. Halos maamoy ko na ang cinnamon mouthwash na ginamit niya.
"H-hello..." yun lang ang lumabas sa bibig ko. Hindi ako kumukurap dahil baka mamaya, imahinasyon ko lang ito. Baka napaparanoid lang ako.
"Ako nga pala si Mardeth !" bigla akong hinawi ng dalawa kong baliw na kaibigan. "Ako naman si Vinty !"
Kinuha nila ang kamay ni Jeremy at nakipag shake hands. Napa iling si Valentine.
"I'm Audrey." mahinhin na nag pakilala ang isang ito. Palibhasa ang type niya ay yung pinsan ni Jeremy.
"Its nice to meet all of you." ngumiti siya sa kanila isa-isa.
"Di ba ikaw yung artista?" tanung ni Brook. Siniko ko siya dahil bumaliko ng kaunti ang boses niya.
"Oo. Ako nga." simpleng sagot ni Jeremy. Natatakot ako dahil iba ang tingin niya kay Brook. "I'm sorry, but I didn't get your name?"
Nag lahad naman ng kamay si bakla ! Sh1t ! Kung alam mo lang Jeremy.
"I'm Brook." sabi niya at inayos ang tono mg boses.
"Are you her boyfriend?" mabilis niyang tanung. Hindi niya pinansin ang kamay ni Brook kaya binawi niya na lang ito.
"Uhmmm..." wala akong masabi. Humalukipkip si Jeremy. Wag kang mag sasabi Brook. Please lang, itago mo muna yang dila mo.
"Manliligaw..." sagot ni brook na medyo naiilang.
"Akin kasi talaga siya. Hindi ko alam kung bakit siya napunta kay Chichay !" biglang niyakap ni Niccola ang braso ni Brook. Agad naman napa atras si bakla.
Nakita ko ang pag ngisi ni Jeremy. "Tama ka. Bagay naman kayo." sabi niya habang nakatingin dun sa dalawa.
"Hindi naman siya ang gusto ko." pilit na tinatanggal ni Brook ang braso ni Niccola na nakapulupot sa bewang niya.
Nag tatawanan lang sila habang ako ay tahimik na naka tingin sa dalawa. Nararamdaman ko ang malalalim na titig ni Jeremy sa gilid ko.
"Tara ! Ipasyal natin siya." hinila siya ni Mardeth.
Nag papasalamat ako doon dahil kahit papano, nakagalaw na ako. Ang awkward kasi kahit na umaasta siya na parang walang nangyari, ramdam ko pa rin yung awkwardness.
Madali siguro para sakaniya itago ang tunay na nararamdaman dahil artista siya. Sanay na siya sa mga ganyan. Pwedeng-pwede nga na plastik lang ang mga ngiti niya sa akin eh. Malay natin, minumura na pala ako nyan sa isipan niya.
Napa iling ako. Hindi ganun si Jeremy. Mabait siya at ako ang nanakit. Ako ang nang iwan. Siguro may tampo or galit pa siya sa akin, at tinatago niya lang ito ngayon.
Gusto ko siya maka usap ng kaming dalawa lang. Gusto ko humingi ng tawad. Maybe we can start over again. Balik sa pag kakaibigan? Payag naman siguro siya.
"Okay ka lang?" kalabit sa akin ni Audrey. Nasa Boardwalk kami dahil nagka ayan silang mag bowling. Naka upo lang ako sa gilid.
"Yeah. Okay lang." sabi ko. Ngumiti ako para hindi na siya ulit mag tanung.
BINABASA MO ANG
My girlfriend is a fangirl
Teen FictionSa buhay, may mga bagay tayong laging ipinagdarasal. Halimbawa ay ang maka pasa sa board exam, o di kaya naman ay manalo sa lotto, o kaya minsan pag inumaga ka na ng uwi ay sana wag kang pagalitan ng iyong magulang. Pero si Chichay ay hindi tulad ng...