Chapter 30 | Hindi kayo pwede
Pagka gising ko ay nasa tabi ko pa rin si Jeremy. Nagulat nga ako eh kaya napabangon ako. Siya din ata nagulat. Tiningnan ko ang orasan sa may pader. Mag aalasdos pa lang. Mga four am ang flight niya.
"You okay babe?" tanung niya. Napakusot pa siya sa mata niya.
"I'm fine." sabi ko.
Akala ko nananaginip lang ako. Yun pala saglit lang ako nakatulog. Humiga kami ulit sa kama. Hinila niya ako sa tabi niya at dun ako humiga sa dibdib niya. His heartbeat is music to my ears.
Maya-maya ay nag vibrate na ang cellphone niya. Nag alarm na ito.
Bumangon na kami at nag ayos ng gamit. Wala pang ten minutes ay nandyan na ang sundo niya. Sabay kaming bumaba. Nandoon na ang itim niyang starex.
"I'll be back before you know it." sabi niya. Hawak niya ang magkabilang pisngi ko.
"I know.." sabi ko.
Humalik siya sa akin. Hindi ganun katagal. Hindi rin ganun kadali. Yung tama lang. Niyakap niya ako at tsaka sumakay sa van. Binuksan niya ang bintana at nag flying kiss pa sa akin. Ganun din ang ginawa ko at hinintay na maka alis ng tuluyan ang sasakyan. Naiwan dito sa labas ng dorm ang camaro niya. Kahit papaano, pakiramdam ko ay nandito pa rin siya.
Wag na lang isipin na malayo. Basta ang nasa isip ko ay ginagawa niya ito para sa kaniya at sa pamilya niya.
Mabilis lang din dumaan ang dalawang buwan. Siguro dahil naging busy ako sa coffee shop at nag tutor. Nakikibalita lang ako kay Janella. Kakauwi niya lang kasi last week. Sabi niya nang hongkong daw sila pero ang laki ng initim niya.
"Syempre may araw dun. Iitim talaga ako." paliwanag niya.
Hindi ko naman siya pinapansin dahil panay ang pag babasa ko sa mga articles na lumabas tungkol kay Ligay-Jeremy-Hope.
May nabasa ako dun at nag sasabi na si Hope daw ang dahilan kung bakit nag hiwalay si Ligaya at Jeremy. Dahil showbiz life ito, panay 'no comment' ang sagot nung dalawa.
"No. We don't have a relationship. We didn't broke up." binabasa ko sa aking isipan ang sagot ni Jeremy. "Kahit kami ni Hope ay walang relationship. We're just friends."
Napapa ngiti ako mga sagot niya. Alam kong nag-iingat siya sa mga sinasagot niya dahil ayaw muna namin ito ipaalam sa iba.
"ARAY !" nabigla ako sa pagbato ni Janella ng unan sa akin.
"Kanina pa ako nag sasalita dito. Ayaw mo ako pansinin." humalukipkip ang loka.
"Nakikita mo namang busy ako di ba?" tinuro ko sa kaniya yung binabasa ko.
"Masyado kang naka bantay kay Jeremy. Alam mo naman na ikaw lang mahal nun."
Kinilig ako sa sinabi ni Janella. Hindi na iyon bago sa akin pero sa tuwing naririnig ko iyon, para akong umuulit sa umpisa. Yung kilig ay nariyan pa rin. Hindi nababawasan. Lalu lang nadadagdagan.
"Bukas na uwi niya di ba?" tanung ni Janella habang nag babayad sa accounting.
"Oo." simpleng sagot ko. Buti na lang at scholar ako. Wala na akong pinoproblema sa mga ganyan.
"Wala ka man lang bang plano?" tanung niya.
Umiling ako. Ang totoo niyan ay may plano sana ako kaso may pasok ako bukas. Hindi ko siya masasalubong. Gabi na ang uwi ko at gabi din ang dating niya.
BINABASA MO ANG
My girlfriend is a fangirl
Teen FictionSa buhay, may mga bagay tayong laging ipinagdarasal. Halimbawa ay ang maka pasa sa board exam, o di kaya naman ay manalo sa lotto, o kaya minsan pag inumaga ka na ng uwi ay sana wag kang pagalitan ng iyong magulang. Pero si Chichay ay hindi tulad ng...