Chapter 13 | Si Ligaya Montes
Hindi ako makatulog ng maayos. Maaga pa naman ako gumising dahil mag sisimba ako. Pagkatapos ko mag simba ay nag ikot muna ako dito sa baclaran. Hindi na ito tulad ng dati na matao dahil ipinag bawal na ang mag benta sa gilid ng kalsada. Namili ako ng ilang gamit at kakanin na paborito.
"Chichaaaaaay !!" sigaw nung isang tindera. Iwinagayway niya sa akin ang mga pamaypay na may mukha ni Jeremy. "Bagong dating lang yan."
Napa 'O' ang bibig ko. Maganda dahil ito yung uri ng pamaypay na pag tiniklop mo tapos mali ang bukas mo, tatalsik pataas. Haha yung bilog na pamaypay.
"Magkano yan ate?"
"20php na lang para sa'yo. Suki naman kita eh." sabay kindat niya sa akin. Dito kasi ako parati bumibili ng mga poster o magazine na kung saan si Jeremy ang cover. Yung mga notebook lang ang sa Divisoria.
"Hindi mo na yan kailangan kung palagi mo naman ako nakikita..." tumindig ang buhok sa likod ng batok ko ng marinig ko ang isang pamilyar na boses sa gilid ng tenga ko. Sa sobrang lapit ng bibig niya ay naramdaman ko ang init ng hininga niya.
Lumingon ako at nakita ang isang nakangiting Jeremy. Naka bull cap siya at shades. Simpleng damit lang ang suot niya. Halos malaglag ang panga ko sa sitwasyon namin.
"B-bakit ka nandito?" pabulong kong tanung sa kaniya. Ibinaba ko ang pamaypay.
"Wala lang. Nag simba ako." nag kibit balikat siya. Naningkit ang mga mata ko.
"Sinusundan mo ba ako?" tanung ko sa kaniya.
Tumawa siya. "Bakit naman kita susundan, Chay?"
Oo nga naman, bakit nga naman niya ako susundan? Sino ba naman ako. Malakas talaga ang kutob ko na hindi siya seryoso sa akin. Baka joke niya lang yung 'I like you' niya.
"Dejoke lang. Nabanggit kasi ni Janella sa akin na nag sisimba ka dito tuwing linggo."
Uminit ang pisngi ko. Napa iling na lang ako at sinukbit sa balikat ko ang bag.
Nag lakad kami ng sabay. Pinag titinginan siya pero hindi sila sigurado kung si Jeremy ba talaga ito.
"Siya ba yun?"
"Hindi ah."
"Mare siya nga!"
"Sa mall yun nag pupunta hindi dito."
Binilisan ko na lang ang pag lalakad at sumunod naman siya.
"Ui Chay ! Teka lang wag ka mabilis." hila niya sa akin.
"Eh ikaw kasi. Bakit ka pupunta sa ganitong lugar eh alam mo namang napaka sikat mo." dinuro ko siya at tumawa lang siya. "Anu nakaka tawa?"
"Edi ikaw.." kinurot niya ang pisngi ko. "Kung makapag salita ka para kang hindi fangirl."
Napa nga-nga ako doon. Hindi ko ineexpect na tatawagin niya akong ganun. Ganun lang ba ang tingin niya sa akin? Isa lang ba akong fangirl sa kaniyang mga mata? Kaya ba siya natutuwa dahil ganun ako?
"Tara sa simbahan." bigla niya akong hinila.
"Anu gagawin natin diyan?" tanung ko sa kaniya. Panay pa rin ang titig nila sa amin.
Hindi niya ako sinagot at dinala na lang ako sa lugar kung saan nag sisindi ng kandila ang mga tao para sa kanilang mga hiling at dasal. Kumuha siya ng tatlo at binigyan din ako. Nasa bandang sulok kami. Sinindihan niya ito at nanalangin. Pumikit siya.
BINABASA MO ANG
My girlfriend is a fangirl
Novela JuvenilSa buhay, may mga bagay tayong laging ipinagdarasal. Halimbawa ay ang maka pasa sa board exam, o di kaya naman ay manalo sa lotto, o kaya minsan pag inumaga ka na ng uwi ay sana wag kang pagalitan ng iyong magulang. Pero si Chichay ay hindi tulad ng...