Chapter 32 | Decision
Hirap na hirap ako. Hindi ko alam kung paano plastikin ang mga emosyon ko pag dating kay Jeremy. Hindi ko maitago ang lungkot. Hindi ko maisip kung paano ako makikipag break sa kaniya.
Oo, makikipag break ako sa kaniya. After ng ilang linggo nang pag-iisip, iyon lang ang nakuha ko. Pinakita nila sa akin kung paano nila kakontrolado ang buhay ni Jeremy.
Natatakot ako. Ayoko talagang masira siya ng dahil sa akin. Ayokong mawala ang pinag hirapan niya nang dahil lang sa pag-ibig na ito.
Pag-ibig....
Anu nga ba talaga ang pag-ibig? Bakit tayo nasasaktan nito? Isa lang naman itong emosyon na nararamdaman ng lahat. Hindi ito kutsilyo na pag isinaksak mo, doon mo lang mararamdaman ang sakit. Pag hinawakan mo, wala lang. Nasa sa'yo yan kung isasaksak mo, o hahawakan mo lang.
Pero hindi lang yun, ang pag-ibig ay parang isang video game. Sa umpisa mong pag subok, madadali ang mga level. Kahit nasasaktan ka, nalalaktawan mo pa rin ito. Nakaka move-on ka sa susunod na level. Pero habang tumatagal, pahirap na ito ng pahirap. Dumadami na ang mga pagsubok. Nababawasan na ang buhay na pinaka iniingatan mo dahil ayaw mong masawi ng walang nakukuha. Hindi mo alam kung ipag papatuloy mo pa ito. Hindi ka sigurado kung gusto mo na talagang bitawan ang controller o ipagpatuloy ang laban hanggang sa lumitaw ang mga salitang You Win.
Katulad ng sa pag-ibig. Sa umpisa madali. Hanggang puppy love at crush lang tayo. Pero habang tumatagal, unti-unting namumulat ang pag-iisip natin. Hindi natin alam kung bakit ganito na lang ang nararamdaman natin sa isang tao. Hindi natin alam kung bakit parang unti-unti tayong nasasaktan sa mga simpleng bagay na nakikita natin. Hindi ka sigurado kung gusto mo na ba talagang tigilan na lang ang nararamdaman mo o isusugal mo ito sa isang bagay at umaasa na sana ay ikaw ang mananalo sa huli.
Dito sa amin ni Jeremy, siya ang trophy. Siya ang pinag hihirapan kong makuha. Siya ang huling level. Narating ko na, nakuha ko na. Pero hindi ko inaasahan na may special boss. I was weak. Naubos na lahat ng lakas ko. Kaya sa isang tira lang ay talo na ako. Isang tira lang ay game over na.
"Chichaaaay? Hello?" napatingin ako kay Janella. Nag pitik siya ng daliri sa harapan ng mukha ko.
"Huh?"
"Bakit ka ba wala sa sarili? Anu ba yang iniisip mo?" tanung niya sa akin. Nasa library kami at nag susulat ng mga definitions na kailangan ng mga first year.
"W-wala naman. Okay lang ako." sagot ko kahit alam kong alam niyang hindi naman talaga.
"Simula nung pagka-uwi natin nung sa shooting iba na ang ikinikilos mo." naningkit ang mga mata niya sa akin.
Umirap ako at nag patuloy sa pag susulat.
"Makikipag break ka no?"
Mabilis akong napatingin sa kaniya. Seryoso ang mukha niya. This girl read me like a book.
"Don't do it Chichay !" napasigaw siya.
Sinita kami ng librarian kaya humingi kami agad ng tawad.
"Janella please, wag muna ngayon. Im stressed." sagot ko at iniligpit ang gamit.
Agad naman siyang sumunod sa akin. Wala na kaming klase kaya inutusan kami ng teacher namin na gumawa ng quiz para sa first year.
"Chichay, I know these decisions are hard but please, hindi ito ang sagot." pinigilan niya ako sa pag lalakad.
"This is the only answer. And kung ikaw ang nasa kalagayan ko, ito lang din ang maiisip mo." sagot ko sa kaniya. I'm fighting the tears
BINABASA MO ANG
My girlfriend is a fangirl
Teen FictionSa buhay, may mga bagay tayong laging ipinagdarasal. Halimbawa ay ang maka pasa sa board exam, o di kaya naman ay manalo sa lotto, o kaya minsan pag inumaga ka na ng uwi ay sana wag kang pagalitan ng iyong magulang. Pero si Chichay ay hindi tulad ng...