Chapter 9 | Selos
"kasi hindi ka mawala sa isipan ko Chichay."
ANU DAW?! Hindi ko ata naintindihan ang sinabi niya.
"A-anung sinabi mo?" tanung ko sa kaniya. Hindi ako bingi. Nag bingi-bingihan lang. Gusto kong ulitin niya. Kung uulitin niya....SANA ULITIN NIYA.
Humarap siya sa akin. Ang init na ng pisngi ko. Sana hindi niya napapansin.
"Sabi ko..." suminghap siya, "Hindi ka mawala sa isipan ko."
Oh my goodness !! INULIT NIYA NGA !! HELLO 911, I NEED AN AMBULANCE HERE, MAG KAKAROON NA PO AKO NG HEART ATTACK.
"Okay ka lang Chichay?" tanung niya sa akin. Hinanap niya talaga ang tingin ko. Umabot na ata sa venus ang haba ng hair ko.
"Uhhh..Anu... O-okay naman ako." sagot ko sa kaniya. Hindi ako makatingin ng diretcho sa kaniya. Pakiramdam ko bibigay tuhod ko pag nag tama ang mga mata namin.
Umabante siya palapit pero agad naman ako umatras. Hindi ako naka layo dahil hinawakan niya ka agad ang pulso ko.
"Please wag mo ako ulit takbuhan." sabi niya sa akin. Malungkot ang boses niya. Para siyang pagod.
Haaaay,Ikaw ba namang mag shooting ng buong araw hindi ka mapapagod?
"Hindi naman eh..." ani ko. Mahina ang boses ko. Nahihiya ako :')
Hinila niya ako palapit sa kaniya. Naramdaman ko ang mainit na hangin na lumalabas sa kaniyang ilong. Mas matangkad siya sa akin.
"Chichay, tingnan mo ako.." hindi niya yun sinabi, inutos niya iyon.
Ako namang si tanga, sumunod. Nag tama ang mga mata namin. May kislap sa kaniyang mga mata. Bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko lalabas ng rib cage ko ang puso kong kanina pa kumakatok.
Matagal kaming naka tingin sa isa't-isa. Totoo ba itong ipinapakita niya? Hindi ba ito practice para sa isang role? Paano si Ligaya? May namamagitan ba sa kanilang dalawa? Lagpas na ba sa pag hanga ang nararamdaman ko?
"Jeremy ! Kailangan na nating bumalik." tawag sa kaniya nung lalakinh nasa sasakyan. Naka silip ito sa amin. Lumingon ng kaunti si Jeremy.
"Bumalik ka na. Baka sila pa ang pumunta dito." sabi ko sa kaniya. Lumunok siya at sabay tumango.
May naramdaman akong sakit ng binitawan niya ang kamay ko. Para akong lumamig. Parang may nawala sa akin. Lumuwag ang pakiramdam ko. Mas pipiliin ko ang masikip na lugar at kasama siya kesa sa isang maluwag na kwarto at hindi mo naman gusto ang kasama.
"Sige. Baka next week papasok na ako." sabi niya sa akin. Tumango lang ako. Hindi ko alam kung aakap ba ako o makikipag hand shake o anu. Wala akong alam.
"Sige. Ingat ka." yun na lang ang nasabi ko. Ngumiti siya sa akin at umalis na. Naka alis na ang sasakyan niya naka tayo pa rin ako dito.
Lunes na ulit. Boring ang weekend na dumaan. Umalis kasi sila Janella. Mag-isa lang ako sa dorm. Yung projects at assignments na next week pa due ay natapos ko na. Kaya lalung naging boring itong linggo na ito. Pero hindi rin siguro dahil sabi ni Jeremy papasok na daw siya. Kaso naroon pa rin yung salitang 'Baka '.
"Ms. Bernardo?!" natauhan ako sa tawag ng aking guro. Bigla akong tumayo kaya nalaglag ang mga gamit sa desk ko. Nag tawanan ang mga kaklase ko. "Anu na naman yang iniisip mo at napapa nga-nga ka."
Yumuko ako ng kaunti. Nakakahiya naman tong si Prof -_- ! Pwede naman niyang kipkipin ang mga panlalait sa akin, hindi na niya kailangang iannounce.
BINABASA MO ANG
My girlfriend is a fangirl
Teen FictionSa buhay, may mga bagay tayong laging ipinagdarasal. Halimbawa ay ang maka pasa sa board exam, o di kaya naman ay manalo sa lotto, o kaya minsan pag inumaga ka na ng uwi ay sana wag kang pagalitan ng iyong magulang. Pero si Chichay ay hindi tulad ng...