Chapter 34 | Beginning
Tulala ako sa bintana ng eroplano. Pinapanuod ko ang mga ulap na nalalagpasan namin. Ang mga bahay na unti-unting lumiliit at nawawala ng tuluyan.
First time kong sumakay ng eroplano pero wala akong takot na nararamdaman. Kahit man lang isang pitik ng kaba ay hindi ako natatablan. Siguro ganito talaga ang nararamdaman natin pag tayo ay nasaktan. Ganito ang nararamdaman natin pag tayo ay nadurog. Pag tayo ay iniwanan. Pag tayo ang nang iwan...
Pagod.
Yan lang ang nasa sistema natin. Pagod tayong tumayo. Pagod tayong mag-isip. Pagod tayong umiyak. Pagod tayong mag mahal. Kulang na lang ay pagod na din tayong huminga, siguro ito ang nararamdaman ng mga nag susuicide, pagod.
Mataas na ang eroplano at pwede na tanggalin ang seatbelt. Wala akong katabi. Hindi naman kasi puno ang eroplano kaya kahit saan, pwede ka umupo. Direct flight ito kaya matagal kaming naka upo dito.
"Mag iingat ka ah !" halos mangiyak-ngiyak si Janella. Mahigpit ang yakap niya.
"Oo naman ! Babalik pa ako no !" sabi ko sa kaniya.
Yumakap din si Marlo sa akin.
"Siguraduhin mo na babalik ka ah !" paalala niya. Pabiro ko siyang hinampas sa balikat. "Pag hindi ka bumalik, mapipilitan kaming sundan ka doon !"
"Mas maganda palang wag na lang akong bumalik." tumawa ako at siya naman ang nanghampas.
Tinawag na ang flight ko.
"Sige na. Mag-iingat kayo ah." paalala ko sa kanila.
Niyakap nila ako ulit. Pagka tingin ko nang diretso ay naaninag ko ang isang dilaw na Camaro. Lumayo sila Janella sa akin at napansin ang pagkaka tingin ko sa malayo. Sinundan nila ito. Napa awang ang bibig nila nang makita ang pamilyar na sasakyan.
"Baka kapareho lang..." sabi ni Marlo. Wala kasing bumababa. Nakaparada lang ito. Ayoko naman silipin ang plate number sa likod para maka siguro.
Tumango lang ako at kinuha ang mga bagahe ko. Pumila na ako sa mga papasok. Kumaway ako kila Janella at tumingin ulit sa mala bumblebee na sasakyan. Ramdam ko ang mga titig niya sa akin. Alam kong nandyan siya sa loob.
Bakit hindi ka bumababa? Bakit hindi mo ako pinipigilan? Sumuko ka na din ba? Pagod ka na din ba, Jeremy?
Yun ang huling bagay na nakita ko sa labas ng airport. Tuluyan na akong pumasok sa loob at inasikaso ang lahat. Hindi pare-pareho ang mga flight naming top 20 students dahil hindi naman kami galing sa iisang school.
Ten boys and Ten girls kami. Narinig ko na by pair silang kinuha sa mga schools nila. Ako lang ang walang kapair kaya ibig sabihin may isang lalaki din na walang ka-pair.
Pagka landing ng eroplano ay agad akong bumaba. Kinuha ko ang mga gamit ko.
"Good evening mam !" bati sa akin nung isang policeman.
"Good evening po..." sagot ko. Ay patay ! Wala nga pala ako sa Pilipinas. Buti na lang at hindi niya iyon napansin. Ginuide niya ako hanggang sa labasan. Biruin niyo yun, nag sasara din pala ang mga airports. Akala ko 24/7 ito. Baka seven eleven at mini stop lang ang ganun. Tsaka yung ibang Mcdonalds.
Ugh ! Anu ba ito ! Kararating ko lang parang gusto ko nang bumalik. Homesick, agad-agad?!
Nakita ko ang isang matangkad na lalaki na may hawak ng papel na may pangalan ko. Nasa mid-forties siya siguro at naka coat and tie.
"Hello !" kumaway ako sa kaniya. Tumingin siya sa akin gamit ang blank expression. "Im Chichay !" tinuro ko yung papel tapos sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
My girlfriend is a fangirl
Подростковая литератураSa buhay, may mga bagay tayong laging ipinagdarasal. Halimbawa ay ang maka pasa sa board exam, o di kaya naman ay manalo sa lotto, o kaya minsan pag inumaga ka na ng uwi ay sana wag kang pagalitan ng iyong magulang. Pero si Chichay ay hindi tulad ng...