Kabanata 35

329 10 4
                                    

Sorry for the late update. Medyo busy lang at may inayos. Trailer at the side :) →

----

Chapter 35 | Paranoid

Masaya ang unang linggo namin. Nag-ikot kami. Madaming puno sa paligid. Kung iisipin mo, para kang nasa probinsya ng Pilipinas. Nasa downtown ang pinaka buhay nila. Naroon ang mga gusali. Madaming pasikot-sikot.

"Chichay picture tayo !" hila sa akin ni Brook. Hindi pa ako nakaka sagot ay nag click na ang cellphone niya.

"Ang ganda-ganda mo girl !!" hinawi niya ang buhok ko. Naka salamin ako ngayon.

"Hindi ah. Mas maganda pa rin sila." sabi ko at tinali ang buhok ko.

"May FB ka ba? itatag ko sa'yo ang pictures natin." tanung niya habang nakatingin sa cellphone.

Umiling ako. "Wala eh." i lied. Ayokong makita niya ang facebook ko. Actually, idedeactivate ko na iyon. I need to focus on this program and hangga't nasa isip ko na may FB account ako, lalu lang ako madidistract.

"Wala?! Jusko naman Chichay ! Nasaan ang social life mo?" napa ikot na lang ang mata ko sa sinabi niya.

"Chay ---"

Lumingon ako sa tumawag sa akin. Wala akong nakita.

"Anu iyon?" tanung ni Brook.

Humarap ako sa kaniya at sa likod ulit. I swear I heard someone called me. I swear I heard his voice...

"Uhhh... Wala." ngumiti ako sa kaniya at nag patuloy kami sa pag-iikot.

Katamtaman lang ang bilis ng pagdaan ng mga buwan. Dati, nakaka isang buwan pa lang kami, ngayon anim na buwan na.

Madadali pa ang mga activities namin. Sabi ni Sir Hodge, isang professor na nag tuturo sa amin, ay habang tumatagal ay pahirap daw nang pahirap ang pag dadaanan namin.

"But whatever happens, I don't want you to give-up." yan ang lagi niyang sinasabi sa amin.

"Yes sir !" sagot namin. Tumayo na ako at kinuha ang bag.

"Hey Chichay !" kalabit sa akin ni Mardeth.

"Hmmm?" humarap ako sa kaniya.

Naka civilian lang kami. Halos pare-pareho ang itsura ng mga kaklase kong babae. Magaganda sila. Kayumanggi ang itsura. Yung typical filipina. Makinis pa ang kutis. Ako lang ata ang naiiba.

"May bonding kami mamaya. Sama ka !" hinawakan niya ang kamay ko at medyo tumalon pa siya.

"Anu kasi ---" tinakpan niya ang bibig ko.

"Op op ! Halos anim na buwan na tayong mag kakasama pero pangalan at edad mo pa lang ang alam namin." sabi niya sa akin. Tinanggal niya ang kamay niya sa bibig ko. "Kahit saglit lang, sama ka sa amin. Gusto ka pa namin maka usap."

Alam kong napapansin nila ang pag-iwas ko pero anu bang magagawa ko? Hindi naman ako sanay na may pumapansin sa akin, maliban na lang kung may kailangan sa schoolworks. Ngayon kasi, lahat kami ay may common denominator.

Pantay-pantay ang kaalaman namin. Walang mas matalino. Walang nambubully. Lahat mag kakaibigan.

Ngumiti ako sa kaniya. "Okay !" sabi ko sa kaniya.

Nag bihis muna kami pagkatapos ng klase. Simple lang ang sinuot ko. Ayoko kasing maka agaw ng pansin. Yun kasi ang kakaiba dito sa US. Pag gusto ka nung isang lalaki, lalapit ito kaagad sa'yo. Hihingin ang number mo at date kaagad. Hindi tulad sa Pilipinas, kahit papaano, may pagka Maria Clara ang mga lalaki doon.

My girlfriend is a fangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon