Chapter 43 | Panalo
Nag lalakad ako sa sala ni Janella. Back and forth. Back and forth. Nag-iisip ako kung tatanggapin ko ba yung sinabi ni Jeremy. I don't have any acting experience. Mag mumukha akong tanga doon. Baka sigawan lang ako nung direktor nang paulit-ulit.
"Pwede ba Chichay? Ako nahihilo sa'yo eh." sabi ni Janella sabay inom ng kape.
"Anung magagawa ko? Eh ayaw mo naman ako tulungan." sabi ko sa kaniya.
Bumuntong hininga si Janella. "Diba sabi ko sa'yo na tanggapin mo? Ikaw lang naman yung may ayaw."
"Ayokong mag mukhang tanga."
"Hindi ka mag mumukhang tanga dun kung si Jeremy naman ang kasama mo." tumayo na siya at nag punta sa kusina.
Sumunod naman ako at umupo sa kitchen counter nila. Nag patugtog siya ng kanta ng 5SOS at sumayaw pa nang kaunti.
"Malay mo tungkol sa toothpaste or sa shampoo ang commercial na ito." alam kong gusto niyang pagaanin ang loob ko.
"Paano kung tungkol sa napkin?" tanung ko.
Halos mabuga ni Janella yung tubig. Akala ko nga lumabas sa ilong niya.
"Napkin?! Taena naman Chichay !! Si Jeremy ang bida dito, extra ka lang, kaya hindi pwedeng napkin yan." natatawang paliwanag ni Janella.
"Malay mo lang naman." sabi ko sa kaniya.
Biglang may nag doorbell. Sabay lumingon ang ulo namin ni Janella.
"May inaasahan ka ba?" tanung ko sa kaniya at bumaba sa counter.
"Wala. Mamaya pa labas ni Marlo." sagot niya.
Nag lakad ako patungo doon para buksan pero pinigilan niya ako.
"Baka mamaya kidnapper yan o kaya yung mga nasa horror movies na kumakain ng mga babae. Wag mo basta-basta buksan." naka hawak siya sa braso ko.
"Anu ka ba, masyado ka namang OA ! Ka aga-aga natatakot ka. Bawas-bawasan mo nga yang panunuod mo ng mga kung anu-anong palabas." pumiglas ako at lumbas ng bahay para pumunta sa gate. Nag door bell ulit yung tao.
Pagka bukas ko nung gate ay nasa tabi ko na si Janella. Kami lang kasi ang nasa bahay nila.
"Walang tao?" tanung ko sa kaniya. Walang naka tayo sa labas ng gate. Pero maya-maya biglang....
"WAAAAAAAAHH !!"
"AHHHHHHHH !!"
Lumitaw ang dalawang lalaki na naka maskara. Yung isa malaking alien ang mukha at yung isa ay parang halimaw na hindi maintindihan ang mukha.
"Ahhhhh !!" sumigaw si Janella at napa tago sa likod ko.
Ako naman ay naka tayo lang dun at pinapanuod ang dalawang tanga na nananakot sa harapan namin.
"Mga gagø !!" hinampas ko silang dalawa nung tsinelas ko.
Pinang sangga nila ang mga braso nila. Naririnig ko ang pag tawa nila sa likod nung maskara.
"What the eff..." namula si Janella. Binato niya nang walis tingting ang boyfriend niya na may suot ng maskara na alien at tsaka pumasok sa loob.
"Ui babe !" hinabol ni Marlo si Janella sa loob.
Tumingin ako ay Jeremy na hanggang ngayon ay naka maskara.
"Rawr !!" sabi niya at itinaas pa ang dalawang kamay na kunwari ay nananakot ng bata.
"Boring !" sagot ko at nag kunwarian na nag hikab.
BINABASA MO ANG
My girlfriend is a fangirl
Teen FictionSa buhay, may mga bagay tayong laging ipinagdarasal. Halimbawa ay ang maka pasa sa board exam, o di kaya naman ay manalo sa lotto, o kaya minsan pag inumaga ka na ng uwi ay sana wag kang pagalitan ng iyong magulang. Pero si Chichay ay hindi tulad ng...