Chapter 73 Farewell

5.1K 188 29
                                    

Kaira's pov

Nakadungaw ako ngayun sa bintana habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko matanggap na mapapatay ko si Jake.

Napatingin ako sa mga kamay ko. Malinis itong pagtignan, pero kay dumi ng loob dahil sa napakaraming buhay na nakitil.

"Kaira, handa na ang karwahe"Suzy

Tumayo ako at tumango. Nakaitim kaming lahat ngayun. Syempre pupunta sa libing, may nakita na ba kayong nakapula sa libing?

"Ok ka lang?"Xia

Tumango lang ako. Inakbayan ako ni Amythest.

Habang naglalakad palabas ng academy may napansin akong presensyang nagmamasid. Napalingon ako sa likod, pero wala naman. Pero hindi ako tanga, alam kung may nagmamasid samin.

"Pumasok na kayo"Jade

Ang lungkot lungkot niya, kung noon ay parang nagshishine at nagiging jolly ang lahat kapag nakikita ko siya, ngayun parang lungkot at pighati lang ang nakapako sa puso't isipan niya.

Pumasok ako. Tumingin muna ako kay Jade, pero hindi siya nakatingin sakin, nakayuko lang siya.

May kakaiba akong nararamdaman, parang may nakahawak sa braso ko. Pero wala namang tao, imposible namang si Xia toh, nasa gitna kaya siya.

"May nararamdaman ba kayong kakaiba?"

"Wala"

Napalunok ako ng laway, kung ganon ako lang pala ang nakakaramdam ng kakaiba. Tss, hindi ako sabog para maniwala sa mga momo.

Nakatingin lang ako sa ulap, lumilipad ang karwahe dito sa magic world eh kasi nasa himpapawid ang libingan ng mga royals. Ang sosyal noh?

"Andito na tayo"sabi ni Jade habang nakasimangot.

Bumaba na kaming lahat. Akala ko mahuhulog ako dahil ulap ang inaapakan namin. Napahawak ako sa dibdib. Nagulat talaga ako. Mapapa upo na sana ako pero parang may humugot sakin para hindi ako mapa upo.

"Hoy, Kaira tulala ka nanaman"Amythest

"Luh, sorry"

Malapit na kami sa pagkakalibingan ni Jake, ang sama ng tingin saking ng ibang estudyante.

Napalapit sakin si Cathy.

"Kaira, sorry kung nasigawan kita kahapon"she said with a poker face

"Wala yun"

Hindi ko kayang sulyapan ang libingan ni Jake. Parang pinipigilan ako ng konseyensya ko.

Biglang may humawak sa braso ko. Pagtingin ko dito.

"Ginulat mo ako"

Si Arwen lang pala, kasama si Dean.

"Luh, hihi. Sorry. Ang seryoso mo kasi. Hindi pa naman toh ang katapusan ng munda ah?"Arwen

Napangiti ako ng kunti sa sinabi niya.

"May rason kung bakit siya namatay"Dean

"Ano?"

"Ummm... *loading* only god knows"sabi niya sabay ngiti

Napa face palm na lang si Arwen.

Linapitan ako ni Jade, "Binilin sakin ni kuya ang sulat na toh"

May ibinigay siya saking itim na envelope, binasa ko ito.

'Kaira at Jade,
Mahal na mahal ko kayong dalawa. Masakit man pero ito ang aking tadhana, ang mawala sa mundong ito. Sana kayo ang madala sakin papunta sa Avelin'

Parang hindi ko kaya, hindi ko kayang tignan ang libingan niya. Hindi ko ito maharap dahil ako ang dahilan kung bakit siya ihihimlay.

"Kaira tara na"Jade

Nakasimangot pa din siya.

Ang sasama ng tingin sakin ng iba kaya napayuko ako.

"Wag ka na ngang yumuko"Jade

Hindi na ako yumuko, laking gulat ko ng makitang nasa harap na pala ako ng libingan ni Jake.

Tiningnan ko ito ng maagi, may iba sa kanya.

"Napansin mo din?"Jade

"Yung?"

"Yung kakaiba sa katawan ni kuya, parang hindi siya toh, may nunal kasi sa may labi at sa ilong"Jade

"Nakakapagtaka nga eh. Wala naman siyang nunal, pwera lang kung nag mamake up siya"

Nangiti siya sa sinabi ko.

"Farewell...."

.........'''___'''..........

Guys ang kunti pa lang ng kasali sa gc, napakatahimik nga eh.

Mga magtwetwenty pa lang ang nakasali.... 

The Lost Princess Of Pazysia [Under Revision]Where stories live. Discover now