Kaira's pov
Nasabi na nina Arwen sakin ang tungkol sa listahan. Kaya inaasekasu na ito ng mga royals, maliban sakin.
Nasa Pazysia ako ngayun para inspeksyunin ito. Tanging ang isang punong may bungang gintong mansanas lang ang bago.
Linapitan ko ito. Napahinto ako sa paglalakad ng mapansing may umiiyak sa likod ng puno.
Sinilip ko ito. Isang batang babae na umiiyak ng gintong luha. Ang katawan niya ay unti unit na ding nagiging ginto.
Nagsalita ang bata, "wag ka ng magtago. Nakita na kita"
Tumayo ako at tumabi sa kanya. "bakit ka umiiyak?"
"Isinumpa ako ni reyna Shikira. Makakalimutan ko ang lahat sa tuwing malalaman ko ang katotohan" sagot niya
"Bakit ka nagiging ginto?"
"Unti unti na akong binabago ng reyna. Lalaki ako ng walang natatandaan sa aking nakaraan" pagkatapos niyang sumagot, biglang nag iba ang paligid.
Nasa mortal world na ako. Nandito pa din ang puno. Pero yung batang babae-dalaga na???
Sinundan ko siya. Papasok siya sa isang bahay. Wait, bahay namin yun ah?!
Tumakbo siya papunta sa kwarto ko. May binuksan siyang librong umiilaw. Binasa niya ito at biglang pumasok ang isang babaeng nakahod-may dala siyang sword!
"Tita! Ano yan?!!!"nanginginig na sigaw ng babae, "kailangan mong makalimutan ang nalalaman mo!!" sigaw nito sabay hiwa sa leeg ng babae
Nawala agad ang sugat at nawalan ng malay ang babae. Ini rereform ng tita niya yata, ang mukha niya. Pinakapal ang kilay, pinapangit ang balat-wait
"That girl is me" banggit ko sabay tulo ng mga luha ko
Biglang pumasok si mommy na punong puno ng dugo. Parang napasabak siya.
"No-no-no! Not again! Di toh pwede! Mawawala nanaman ang alaala ni Kaira!!!" sigaw niya sabay luhod habang umiiyak
Pumasok na din si daddy na duguan rin, "siya lang ang nakakaalam sa tunay niyang pagkatao. Di to maaring mangyare ulit"
Ako lang ang nakakaalam sa tunay kong pagkatao? Kung ganun, di nila ako kilala. Wala naman akong naalala!
Sino ba talaga ako?! At ano ba ako sa mundong ito?!!!!
Sa isang iglap, nasa Pazysia na ako. Nasa harap ko si Reyna Shikira. Hawak niya ang Furious Blade at nakatingin siya sakin ng masama.
Linapitan niya ako at biglang tinapik, "Kaira, Kaira... Sino ka ba talaga?"
"Hi-hindi ko alam" nanginginig kong sagot
Pumaikot ikot siya sakin, "tss. Di tumalab sayo ang sumpa ni Drakilya na mawalan ka ng emosyon. Eh, natatakot ka pa din! Matagal na kitang minamanmanan! Sino ka ba talaga?!!!!"
"Hindi ko nga alam!!!" sigaw ko sabay tutuk sakanya ng Furious Blade.
Napaatras siya at napangiti, "sa tingin mo, kaya mo ako?! Sa tingin mo bayani ka?!!! Mag isip ka muli, dahil di mo alam kong sino at ano ka ba talaga!"
"Stop saying that!! If you know the answer, then tell me!"
"Well, well, well. Isa kang salut Kaira, isa kang salut! Ikaw ang dahilan kung bakit ako namatay! Ikaw ang dahilan ng pagkawasak ng Pazysia! At IKAW din ang magiging dahilan ng pagbagsak ng buong Magic World!!!" sigaw niya at parang ibinalik kami sa dating Pazysia
Nakita ko ang sarili ko. Maliit at nag iiisa. Ilang sandali lang ay nag iba ang anyo ko, nagliliyab at nangangalit. Asul pa ang kulay ng apot ko. Pilit akong pinahinahon ng reyna. Ngunit-ngunit, pinatay ko siya.
Walang habas kong sinununog ang buong Pazysia. Ako ba talaga yan?? Unti unti ng nagiging pula ang aking apoy, "alam mo ba ang ibig sabahin ng ngayung pula mong apoy?!"
Yumuko ako at umiling, "ang ibig sabahin nito ay marumi ka! Marumi ang pagkatao mo!"
Taas noo ko siyang linapitan at sinagot, "bakit? Ano ba ang alam mo? Ako ang nakakikilala sa sarili ko, hindi ikaw. Ako ang pipili sa sarili kong daan! Ako ang bubuo sa tadhana ko!" sigaw ko sabay takbo at sinakal siya
Nag apoy ang buong katawan ko. Tumingin siya sa nagliliyab kong mga mata, "wala akong paki sa aking kahapon! Dahil mas mahalaga ang magiging tagumpay ko sa kasalukuyan at bukas! Ako ang bubukas ng pinto patungo sa kalayaan!!!!!" sigaw ko at unti unting nasusunog ang kanyang katawan
Binitawan ko siya at gumawa ng liham para kay Drakilya. Gumawa ako ng apoy na ibon para ipadala ang liham.
Humanda kayong lahat sakin. Panahon na para wakasan ang kasamaan. Panahon na para pakawalan ang tunay kong pagkatao.
~~~~~/Drakel/~~~~~
Drakilya's pov
May dumating na apoy na ibon at naglaglag ng sulat sa harapan ko. Pinulot ko ito at binasa. "Taposin na natin yang kahibangan mo sa kapangyarihan. Simulan na natin ang laban, at wawakasan namin ang mga buhay niyo. Bukas na bukas, sa pagsikat ng araw. Nasa tapat na kami ng iyong kaharian"
Ano ang akala nila sakin? Talunan? Pwess, maghanda sila ng tag iisa nilang libingan. Dahil bukas na bukas din, magsisimula na ang aking paglaya....
"Mga kawal!!! Ihanda niya ang inyong mga sarili! Wala tayong ititira sa kanila!"
Agad silang naghanda at nagtipon tipon.
"Mahal na reyna, nandito na po ako" sabi ng aking espiya sabay yuko
"Mabuti at nandito ka na, Jake...."
YOU ARE READING
The Lost Princess Of Pazysia [Under Revision]
Fantasy[The Campus Nerd Was The Long Lost Pazysian Princess] Start date: July 2017 End date: January 18 2020 Special thanks to khimkhim20 for making the amazing cover. . . . . . . . . Story plug in: The Piper and The Puppeteer On her way to perform a thi...