Chapter 81 The Truth Behind The Fire

4.5K 125 0
                                    

Third person's pov

"War is coming, you better move"

Nagising si Nicole sa narinig niya.

"That's strange"bigkas ni Nicole

Tumayo siya at isinuot ang mga bunny slippers niya. Ginamit niya ang kapangyarihan upang hindi siya makatulog muli.

Hinawakan niya ang doornob at biglang napahinto.

"Something bad is going on"Nicole

Narinig niya ulit ang tinig na pilit siyang binabalaan. "don't waste your time, you have to prepare"

Ng buksan niya ang pinto at nagulat siya ng imbis na hallway ang makikita niya, isang paraiso ang bumungad sa kanya.

"What is this place?"tanong niya sa sarili

May biglang sumagot, "ang dating Pazysia"

Napalingon lingon si Nicole sa paligid. "sino ka?"

"Di muna kailangang malaman"

"Linuloko mo ba ako? Ang Pazysia ay lugar ng apoy, hindi paraiso"tugon ni Nicole

"Yun ay bago nawalan ng katahimikan ang kaharian. Una ay nawala ang ikaapat na kapatid ni Prinsesa Shikira. Ikalawa, ang biglang pagkamatay ng hari. Ikatlo ang pagliliyab ng puso ng dati at tunay na tagapangalaga ng elemento ng apoy. Ikaapat, ang pagkawala ng anak ng pinakamakapangyarihang anak ng hari"paliwanag ng misteryosong babae

"Ikaapat na kapatid? Dati at TUNAY na tagapangala ng elemento ng apoy? "sunod sunod na tanong ni Nicole

"Pilit itong itinago ng tatlong nagkakapatid sapagkat itinakda siyang maging salot ng mundong ito. Itinaboy at inilihim siya. Gumawa ng spell si reyna Shikira pagkatapos ng pananaboy nila sa kapatid ay makakalimutan nila yung ikaapat na anak ng hari upang siya ang kilalanin ng lahat na tunay na tagapangalaga ng elemento ng apoy. Sa pagkakaalam ko, pinatay ang hari dahil pilit niyang ipinabalik sa puso nila ang ikaapat niyang kapatid"paliwanag niya

"Ipabalik sa puso nila? So, may nagawa siyang tama?"tanong ni Nicole

"Oo, siya ang naging tagapagligtas ng inaapi, naging haligi ng mga mahihina, naging kandungan ng mga malulungkot at higit sa lahat naging mabuting pinuno at anak. Sinubukan niyang mapalapit sa mga kapatid, pero pilit siyang itinataboy, pero ang hindi niya alam ay tinutulungan pala siya ng isang kapatid niya"

"Bakit siya itinataboy maliban lang sa itinakdang kapalaran sa kanya?"

"Sa totoo lang ay, inggit sa kanya ang dalawang kapatid niya. Yung isa ay may busilak na puso na pilit siyang tinatanggap pero wala siyang nagawa ng gamitin ng dalawang kapatid niya ang kanyang anak para magalit siya sa ikaapat na kapatid"

"Anong ginawa nila sa anak niya?"tanong ni Nicole

"Pinatay nila. Pero nabuhay ito sa tiyak na pangyayari"

Biglang nag iba ang paligid, ito na ang ngayung Pazysia, nag aapoy, nag uusok. Parang nagkakagulo. Abandunado at wala ng namumuno. Naghihirap na ang lahat, kailngan na nila ng pinuno.

May nakita siyang pinto, itim at nag aapoy.

"Lapitan mo yang pinto"utos ng misteryosong babae

Sinunod naman ito ni Nicole. Ng lapitan niya ito bigla itong bumukas. Isang nakakasilaw na ilaw ang biglang namuo.

Napatakip ng mga mata si Nicole. Nanatili ang ilaw pero hindi na ito nakakasilaw.

May nakita siyang dalawang babae na parang mag ina. Nakatalikod sila.

"Sino sila?"tanong ni Nicole

"For me to know, for you to find out....."sagot ng babae

"Wait, don't go"Nicole

"I have too..."

Biglang napamulat si Nicole. Nagising nalang din sina Cathy at Vannissa sa bigla niyang pagtayo.

"Panaginip lang ba o pagpaparamdam??"tanong niya sa sarili
.....................

(A/N: sino kaya ang misteryosong babaeng nagbabala at nagpaliwanag sa kanya sa mga pangayayari? Sino ba ang ikaapat na anak ng hari? At sino ang dalawang babae na nakatayo sa likod ng pintuan? Abangan.... )

Wew, sorry kung natagalan ako pag uupdate graduating kasi ako kaya ang raming outputs and activities. Kaya tudo busy. Akala ko hindi na kami mabubusy kaya sinabi ko na 1 day 1 ud na ako, pero sorry talaga. Busy lang talaga ako... 

The Lost Princess Of Pazysia [Under Revision]Where stories live. Discover now