Frost's pov
Andito ako ngayun sa aming kaharian. Ang kaharian ng Icentrum. Ito ang kaharian na nagyeyelo sa lamig.
Ang mga tao dito ay may kakayahang gumawa at makakontrol ng ice golem para maprotektahan ang bawat isa.
Ang aming palasyo ay kulay puti at asul. Sa loob nito ay halos gawa sa ice at snow ang mga kagamitan. Pero matitibay ito.
"Frosty, halikana. Kain tayo" aya ni ina
Nagteleport naman ako papunta sa kusina. Agad akong sinalubong ng akap ni ama. "matagal na akong nangungulila sayo anak"
Hinimas ko na lang ang likod niya dahil nangingiyak ngiyak na siya.
Pinalo naman ako sa paa ng maliit kong kapatid, "asan pasalubong ko kuya?" nakakibit balikat niyang tanong
Isinummon ko ang snow truck na ginawa ko at ibinigay ito sakanya, "yehey! Thank you kuya" pasalamat niya sabay yakap sa paa ko. Ang liit kasi niya.
Kinarga ko naman siya, "bumigat ka"
"Opo! Kumakain pa ako ng marami at nag eensayo palagi para maging katulad mo kuya!" grabe naman kung makasigaw tong kapatid ko
Ginulo ko ang kulay puti niyang buhok. "ang cute mo"
By the way, puti ang buhok niya at kulay asul naman ang mga mata niya.
"Ang pogi mo kuya" sabi niya sabay tawa, "pogi ka din, Ice"
Yinakap niya ako at bigla akong kiniliti, "hahahhaahahhahaa"
Inilapag ko na lang siya. "oy, kayong dalawa. Wag na kayong malikot, kakain na tayo" sabi ni ina sabay hila sa aming dalawa
Naamoy ko na ang masarap na pagkaing linuto ni ina. Ang paborito ko, "sinigang!!!!" sigaw ng kapatid ko sabay upo
"Hinay hinay lang Ice" suway ni Tito Snow kay Ice sabay tawa
Umupo na din ako sa tabi ni Ice at nagsimulang kumain. Ang takaw takaw talaga ng kapatid ko.
Tinapik ko sa likod si Ice, "wag kang magmadali" Tumango naman siya sakin
"Nak, kumusta na?" tanong ni ina
"Mabuti naman"
"Kuya! Bakit ka umuwi dito?!" pasigaw na tanong ng kapatid ko
"Kailangan nating maghanda sa parating na digmaan. Inatasan kaming mga maharlika upang lagyan ng proteksyon ang aming mga kaharian" paliwanag ko
"Kuya! Pwede ba akong tumulong?!" ang sakit na talaga ng tainga ko dahil sa kakasigaw ni Ice
"Oo"
"Kuya, inalagaan ko po ng mabuti si Crost" nagagalak na sabi sakin ni Ice.
Ay nga pala, si Crost ay ang alaga kong Ice Bear. "mabuti naman"
Matahimik kaming kumain. Pagkatapos nun ay isinama ko si Ice sa labas ng palasyo.
"Mga Iceala makinig kayo sa aking sinasabi"
(Iceala-mga nilalang na nakatira sa Icentrum)
Nagtipon tipon sila sa aking harapa, "lahat na ba ay nandito?" tumango naman ang lahat
Nagpalabas ako ng malakis Snow ball. Si Ice naman ay nagpalabas ng Ice ball.
"Handa ka na brad?"
"Opo!!" sigaw ni Ice
Sabay naming pinakawalan ang mga magic balls. Naghalo ito at gumawa ng napakalaking pagsabog. Pagkatapos nito ay unti unti ng tinatakpan ng snow ice shield ang buong kaharian.
Gumawa kami ng mga ice and snow golems. Linagyan naman namin ng mga giant ice archers ang bawat sulok ng kaharian pati na din ang palasyo.
Linagyan namin ng mga ice&snow traps ang buong paligid. "ngayun, magsihanda para sa darating na digmaan!!!!"
Nagsitakbuhan sila sa kanilang mga tirahan upang maghanda. Wala kaming sinasayang na oras.
"Kuya, pwede magtransform ka sa real form mo?" tanong ni Ice
"Eh, ang weird ko sa real form ko" sagot ko sabay ngiti
Nagpuppy eyes naman tong kapatid ko kaya ayun napilitan ako.
"Sige na nga"
Nagpalabas ako ng mga glowing ice. Pinalibutan ako nito at unti unting nagbabago ang aking anyo.
Kabaliktaran ng anyo ko ang anyo ni Ice. Kung ang buhok niya ay kulay puti, ang akin ay asul. At kung kulay asul ang mga mata niya, ang akin ay puti.
Nawala na ang mga glowing ice at bigla akong yinakap ng kapatid ko, "namiss ko yang real form mo kuya!!!!" napangiti na lang ako
YOU ARE READING
The Lost Princess Of Pazysia [Under Revision]
Fantasy[The Campus Nerd Was The Long Lost Pazysian Princess] Start date: July 2017 End date: January 18 2020 Special thanks to khimkhim20 for making the amazing cover. . . . . . . . . Story plug in: The Piper and The Puppeteer On her way to perform a thi...