Chapter 82 Burning in Hell

4.3K 123 7
                                    

Flynn's pov

Nasa harap ako ng kulungan ni Lady Alexandra. Natutulog siya. Puno ng sugat at pasa. Naaawa ako sa kanya dahil hindi siya binibigyan ng pagkain, kaya pasekreto ko siyang binibigyan.

Bakit kailangan pang gawin ng reyna toh sakanya?

"Pssst..."panggigising ko sa kanya

Nagising naman siya, "Flynn. Baka mapahamak ka. Wag ka ng mag abalang mag bigay sakin ng pagkain"

"Wag mo na akong ala alanin. Di ko kayang makita kang nagugutom. Di mo man sabihin, mga mata mo ang nagsasalita"

Napaisip siya sa sinabi ko. Parang maluluha na siya, "kumain ka na po"

"Di ko kaya, ang mga pagkain na ibinibigay mo ay hindi ko nakakain dahil di ko kayang abutin at nguyain ito.. Nakagapos ang paa, kamay at leeg ko. Hirap na hirap na ako, minsan ko ka ngang nasabi sa sarili na gusto ko ng mamatay. Minsan ay pilit kong inaabot yung pagkain pero kunting piraso lang ang nalulunok ko"nanghihina niyang bigkas

Halos hindi na nga siya makapagsalita sa panghihina, di siya makatulog ng maayos dahil hindi naman siya nakakaupo dahil masyadong mataas ang kadina.

Wala talagang puso si Drakilya.

Ginamit ko ang aking kapangyarihan upang palutangin ang pagkain. Inilapag ko ito sa mga palad niya. Panandalian kong tinanggala ng kadina sa leeg niya para makakain siya ng maayos.

Dahan dahan niyang kinain ang pagkain. Napaluha siya at sinabi, "maraming salamat"

Ngumiti na lang ako at tumayo. Aalis na sana ako ng may biglang sumigaw.

"Traydor!!!"sigaw ng reyna at bigla na lang ako sinakal

"Drakilya! Pakawalan mo siya!"kahit ng hihina pinilit pa din niyang sumigaw

"Sige, pero ikaw naman ang sasaktan ko!!"sigaw ng reyna at biglang idiniin ang katawan ni Lady Alexandra sa pader gamit ang kapangyarihan niya

"UUUUGGHHHHH!!!!!"napasigaw si ng paluin siya gamit ang latigo ng bruhang reynang toh!!

Susugurin ko na sana siya ng ifroze niya ako at ipinalingon ako sa ginagawa niya.

"Tingnan mo kung paano ko pahihirapan ang babaeng toh!!"

Sinimulan niya ng pagdiin sa mga sugat niya. At pinalo palo ng limang beses ng latigo.

Pinilit niyang hindi mapasigaw. Pero kita ko naman ang pagtulo ng mga luha niya.

Gusto kong sumigaw at tigilan si Drakilya, pero hindi ko nagagawa dahil sa kapangyarihan niya.

Nakita ko kung paano niya higpitan ang mga kadina sa kamay, paa at sa leeg niya.

Sampung beses niyang sinuntok si Lady Alexandra sa tagiliran at tiyan. Sinampal din siya ito mga ilang beses hanggang sa magdurugo ang ilong at labi niya.

Wala akong nagawa kundi lumuha.

"Ngayon, susunogin ko naman ng kaluluwa mo sa impyerno! Magiging demonyo ka na!!!"sigaw ng reyna

"Gawin mo lahat ng gusto mong gawin sakin, wag mo lang sasaktan si Flynn"pakiusap ni Lady Alexandra

"Masusunod. Hahaha!!!"tawa ng reyna na parang demonyo

Sinusunog na niya ang katawan ni Lady Alexandra at unti unting napupunta ang kaluluwa sa impyerno.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko....

...........

"Flynn..."tawag sakin ng boses na pangbabae

Nang galing ito sa likod ko, liningon ko ito at laking gulat ko ng makitang si reyna Shikira ang tumawag sakanya.

"Ano ang kailangan mo sakin?"

"Patayin mo si Kaira.... "

~~~~~🔰🔰🔰~~~~~


(A/N: bakit gustong ipapatay ni reyna Shikira si Kaira? May malalim bang sekreto tayong hindi nalalaman? At ano na kaya ang nangyare kay Alexandra..abangan....)

The Lost Princess Of Pazysia [Under Revision]Where stories live. Discover now