Tasyo 2

100 36 20
                                    

Dear Dhiaria,







Hanggang ngayon nangingisay pa rin ako sa sobrang kilig. 







Hihi! Alam mo kung bakit? 







E' kasi naman, binigyan ako ng invitation ni Niro.







Invitation sa date namin? 







Well, yeah? Inggit ka 'no?







Echos lang.







Actually invitation talaga yun sa 18th birthday ng kapatid nyang babae na si Aqua. 







Si Aqua yung kapatid nyang deds na deds sa kagandahan ko na matagal ko nang gustong lunurin sa aquarium ng ma dead na.







Pero syempre di ko kayang gawin yon kasi magiging sister-in-law ko pa sya kapag ikinasal na kami ni Niro my ultimate love of my life ko. 







What if malaman ni Aqua na may gusto ko sa kuya nya? 







Totoo kaya na gagawin niya yung sinabi nya sakin dati na pang nalaman niya kung sinong nagpapatibok sa puso ko ay papatayin niya. 







WaaAah! Wag naman sana niyang paslangin ang gwapo at yummy na si Niro kasi pag ginawa nya 'yon parang pinatay nya na rin ako kasi 'di ba nga si Niro ang nagpapatibok ng puso ko.







Atsaka sayang abs nya 'no. Buong buhay ko 'yon na iiyakan pag nagkataon. Hay.







"Magiging masaya si Aqua kapag nagpunta ka." Yan ang sinabi sakin ni Niro pagka-abot na pagka-abot palang nito ng invitation sakin. 







Nginisihan ko nalang sya ng bonggang-bongga. Lakas maka-fafa 'non. Feeling ko tuloy na-inlove na rin siya sa 'kin.







Hindi ko magawang ngumiti dahil baka kapag ngumiti sya pabalik ay makapagladlad ako ng tuluyan. Ayokong mapunta sa danger 'no.







Medyo masaya pa naman ako nang kinuha ko 'yon. Pero nagulantang ako ng bonggang-bongga ng makita ko yung laman ng invitation. 







Alam mo kung saan ko nakita pangalan ko? 







Ugh! Nasa 18 roses lang naman. Psh!







Kapal talaga ng fes ng babaeng 'yon. 







Nakakagigil siya pero syempre nagpapasalamat pa rin ako doon sa kapatid ni Niro na si Aqua kasi syempre ng dahil sakanya napapansin ako ni Niro. Tulad na lang ng nangyari kanina na ito pa mismo ang kusang lumapit sa 'kin. 







Feeling ko tuloy dumoble pa lalo ang  ganda ko at naiinsecure ang mga nagdadaan dahil sa nilapitan ako ni Niro. Hihi.







Balak ko sana silang irapan kaso naalala ko na varsity nga pala ko sa basketball at lalaki ang tingin ng bawat isa sakin.







Echos lang, Dhiaria. 







Anong tingin mo sakin paminta? 







Hindi naman.







Sa totoo niyan, bukod kay Roni na kakambal ni Niro e' wala ng ibang nakakaalam na bakla ako. 







At anong konek ni Roni sa istorya ng buhay ko?







Hay. Ang hilig mong magtanong. 







Si Roni lang naman po ang childhood bestfriend ko. 







Siya ang dahilan kung bakit nakilala ko si Niro.







At siya rin ang dahilan ng pagiging bakla ko. See? Ang dami niyang connect.







Nalaman ko na ganito ako dahil nagkagusto ako sakanya noon. I thought that I was just a bi pero hindi. I never had feelings for thw opposite gender. Same gender lang ang type ko, mama!



Tapos ayon na nga. Nalaman ko na. Hay, nagagalit na sa 'kin nagyon si Roni dahil  pinagpalit ko na daw sya kay Niro. Si Niro na nga kasi ang type ko.







Pero wala talagang nakakaalam ng lihim ko. Kahit mga kamag-anak ko o kahit sino pa man. Ano? Natulala ka? Nagulat ka ba sa revelation ko na hindi pa ko out? Well, magaling akong magtago. Great pretender ang lola mong pretty. 







Simula pagkabata ganito na ko. Buti na lang talaga at may Roni ako na nandiyan lang sa gilid gilid pag kailangan ko siya. Siya lang din ang nakakaalam ng ginintuan at bonggang-bongga kong lihim kaya may full trust ako sakanya.







Aish! Ang seryso naman yata? Ayoko ng sobrang serious.




Pero ano sa tingin mo, Dhiaria? Pupunta ba ko sa 18th birthday ni Aqua?







Sa tingin mo ba magiging masaya ang araw na yon kung saka-sakaling pupunta ko?







Kung sabagay, buong maghapon ko nga namang masisilayan ang gwapong mukha ni Niro kapag nagpunta ko. 







Kaso may consequence nga lang dahil kailangang magsuot ng formal attire. 







Tss, edi makakapunta lang ako don if naka suot ako ng super disgusting na longsleeve and coat. Hay! Ang daming ek-ek naman kasi ng etchoserang birthday na 'yon na kasing-etchosera lang ng magdidiwang ng birthday. 







Ano? Pupunta ba ko o pupunta ko? Anong say mo?







Ano ba 'yan?! Sumasakit nanaman ang aking head. 







Kahit kailan talaga lagi nalang problema sa 'kin ang babaitang 'yon. 







Problema ko na nga ang chaka doll na si barbie tapos pati sya dadagdag pa. Mga problema talaga ang mga babae.







That's all for now, Dhiary. I'll take a rest na. Masyado ng stress ang beauty ng lola mo. Ayoko naman din na magmukhang chaka sa school bukas dahil sa stress na itey. Ayokong talbugan si Barbie sa pagiging chaka 'no.









Isa pa, I need to apply my moisturizer sa aking fes pa, mahirap na rin kasi at baka magka-wrinkles ako. Sayonara, Dhiaria.






Confidently stress with a heart,
Tasyo~

Diary Ni TasyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon