Tasyo 6

53 26 18
                                    

Dear Dhiaria,







Kaloka ang nangyari kanina sa school, Dhiaria. 







Ugh! Inanounce kasi ni Aqua sa gymnasium at on speaker pa sa lahat ng sulok ng university na liligawan niya na daw ako. 







So gross! Pwe! Yak kadiri! Hay! tama na masyado na kong maarte.







Pero nakakainis na nakakahiya talaga yung ginawa niyang 'yon. 







Kaya 'eto, pinagtsitsismisan na kami sa buong university...nanaman.







Nga pala, may good news ako sayo. 







Pero kasama sa good news si Aqua kaya parang medyo bad na rin.







Yieee! Nilapitan ulit ako ni Niro. 







Inaya niya 'kong kumain sa labas --este sa canteen lang pala. 







May sasabihin daw kasi siya sakin. Sumama naman ako. 







Ang saya-saya ko sana kung 'di ko lang nalaman yung rason kung bakit niya ko inayang kumain sa canteen. 







Pinakiusap niya kasi sa 'kin na sagutin ko na raw si Aqua at kahit daw unti-unti e' pag-aralan ko daw 'tong mahalin. 







Syempre tumanggi agad-agad ang lola mo. Never ever! Ayoko.







Pero pinipilit niya ko at may kondisyon pa siyang sinabi na I can't resist.







 Alam mo ba kung ano? Gagawin daw niya lahat ng gusto ko.  







Na-imagine ko tuloy agad na kami nang dalawa tapos habang naglalakad kami sa university e' pinagtitinginan kami ng mga inggiterang chaka fes na mga nadadaanan namin. Kasama na doon si Barbie the chaka doll. Siya ang leader.







Ayon pumayag agad ako with matching tango tango pa at ngiti ng malapad. 







Pero ng mahimasmasan ako parang gusto ko nang bawiin. Babawiin ko na nga sana kanina nung nilapitan ako ulit ni Niro kaso bigla nalang umurong yung dila ko nung ngumiti sya. 







WaAaa! Muntik nang mahulog yung ano ko. Yung ano. Hihi.







Ngayon, Dhiaria nasa boarding house na ko. Kaya nga kita nasusulatan. Di ko talaga kayang maging girlfriend si Aqua! Anong gagawin ko?!







Ps: Help me!




Pps: Ipanalangin niyo ko.


Sasagutin na si Aqua,
    Tasyo~

Diary Ni TasyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon