Eyexel's POV
Ako si Eyexel Macapagal. Isang lalaking mala-protagonist sa isang tipikal na istorya. Ako yung tipong madalas ma-bully sa school dahil clumsy and anti-social.
Ako yung laging pinagkakaisahan at pinapahiya. Ako yung laging pinoprotektahan ng babaeng bida.
Si Aqua. Junior ko sya pero akong senior nya ang pinagtatanggol nya. Nakakahiya.
Malaking parte ng buhay ko ang naokupahan nya. Halos lahat na nga yata ng fave memories ko kasama sya.
Simula ng dumating sya sa buhay ko maraming nabago. Natuto akong ipagtanggol ang sarili ko at mag-enjoy sa mundong 'to.
She's very unique in her own style. She's a precious diamond for me.
"Aqua...kasi ano...gusto kasi kita?" Tinawanan nya lang ako nung umamin ako sakanya. Ayaw nyang maniwala sakin non.
"Pwede ba kitang ligawan?" Halos himatayin ako ng tinanong ko sya kung pwede ko ba syang ligawan.
Thankful ako dahil pumayag sya. Si Aqua yung tipong walang preno. Pag gusto ka nya sasabihin nya talaga sayo. Oo, makapal ang mukha nya. Pero in a positive way naman.
"Pwede bang tumigil ka na sa panliligaw mo sakin?" November 29 ng mistulang gusali na gumuho ang mundo ko dahil sa sinabi nyang yan.
"Maging tayo na." Pero na build up naman ulit yung tower dahil it's a prank lang pala.
Sinagot nya ko.
Kung disney princess siguro si Aqua baka happy ending na kami agad.
Pero hindi. Hindi porket masaya kayo ngayon masasabi mo nang happy ending kayo. Nah, it's not like that.
"Yexel, you're not for her. Hindi sya nababagay sayo. Itigil mo na 'to kung ayaw mong may mangyari sakanya. Don't try me."
Tutol sakanya ang parents ko. They don't like her. Kung bakit? That bullsh*t arrange marriage is the reason.
Mukha ba kong company saver? Well, I'm their son?! Why do I need to carry all their problems?! Isasalalay nila ang buhay ko para sa sarili nila!
I tried to stop them pero hindi ko sila kinaya. Inipit nila ko sa mga situations na sinadya nila.
Ayokong lumayo sakanya kaya sya ang unti-unti nilang pinalayo sakin.
"Ano yon, Eyx?! Anong kalokohan yon?! Si Lea at ikaw...ikakasal na pala kayo? Hahahaha. And you invited me here pa? Ganto ka ba manakit?! Bakit parang sobra naman yata? Parang gusto mo na kong ilubog ha?" She's laughing and crying at the same time. Ramdam ko ang galit nya ng mga oras na yon.
"Alam kong inipit ka lang ng parents mo. Pero Eyexel sana naman sinabi mo sakin para napag-usapan natin. Maiintindihan naman kita. Hindi sana ganito kasakit kung sinabi mo sakin agad. Unahin mo yung parents mo, yung obligation mo sakanila. I'm letting you go na."
Naggamitan lang yung parents ko at yung parents ni Lea kaya after maayos ng companies ng mga parents namin mabilis nila kaming pinag-divorced.
Hindi ko pwedeng lokohin ang sarili ko na naging masaya ako with Lea. I'm with her pero si Aqua lang ang naiisip ko. No one can replace her from my heart. Sya lang mahal nito e.
After two years nakabalik ako sa Pilipinas. I immediately find her. But Niro told me that Aqua already had a boyfriend.
Bago kami maghiwalay sinabi ko sakanya na pwede nya na kong kalimutan. That she can replace me. Hindi ko naman alam na gagawin nya talaga.
I want her back to me so I tried to be close to her again. sinabi din sakin ng parents ko na hindi na nila ko pipigilan para kay Aqua. It's this arrange marriage thing again, kaya kahit alam kong may boyfriend na sya, malaki pa din ang tsansang kami talaga hanggang dulo. Lahat ng alam kong strategy ginawa ko mula sa pagtatrabaho sa eskwelahang pinapasukan nya, sa paghulog ng sulat sa locker nya and worst, sa pagpaplano na paghiwalayin silang dalawa ng boyfriend nya.
Nakipagsabwatan ako kay Niro para paghiwalayin sila. Nalaman ko na gusto din pala ni Niro si Tasyo, which is her boyfriend kaya I thought na it's really good para ituloy ang plano namin.
We did everything and we suceed.
Akala ko panalo na ko dahil naibalik ko na sya sakin. Pumayag sya na maging kami pero ramdam ko na wala nang pagmamahal 'yon.
Pumayag lang sya dahil gusto nyang ipa-realize kay Tasyo na maling pumayag 'to na naghiwalay sila.
Inamin nya yon sakin. Oo, masakit. But I know that it was my fault. Nasaktan ako dahil pinagpilitan ko kung anong gusto ko. Yung gusto ko na hindi naman tama.
"Kailangan na nating itigil 'to. Ayoko na." Kasama ko nga sya pero si Tasyo ang iniisip nya.
Dumating na sa puntong sumuko na ko. Wala naman na kasi talagang pag-asa. Kahit na anong pilit ko hindi talaga pwede. Napalitan na ni Tasyo ang espasyo ko sa puso nya.
Nanalo ako pero pakiramdam ko natalo pa din ako. Wala naman kasing nananalo sa pandaraya.
"Aqua, this feels like giving my lost favorite toy to someone who found it." Nabawi ko sya pero hindi na sya para sakin. Wala akong kwenta.
"I'm breaking up with you dahil alam kong siya na ang itinitibok ng puso mo. Mahal kita pero alam kong siya na ang mahal mo. Mahal kita kaya magiging masaya ko kung san ka magiging masaya."
"Minahal din naman kita. Mamahalin parin naman kita. Pero hanggang kaibigan na lang." Hindi ako iiyak sa harap nya. Hindi ko ipapakita na mahina ako. Hindi.
Pero hindi mo talaga mapipigilan ang mga taksil na luhang mag-uunahan pa sa pagpatak sa magkabila mong pisngi.
Things happen for a reason. Siguro iniwan ko sya noon dahil hindi ako karapat-dapat para sakanya. Naging mahina ako to fight for her. Yun ang pinagsisisihan ko.
I gave her a reason para alisin nya 'ko sa buhay nya. It was all my fault.
What I learned here is 'No matter what happen, be brave to fight for someone you love dahil kapag duwag ka, talo ka.'
BINABASA MO ANG
Diary Ni Tasyo
Teen FictionSiya si Anastacio 'Tasyo' Ignacio at oo, sya ang bida sa istoryang ito. Para matupad ang dream nyang happily ever after sa love of his life nyang si Niro, pumayag sya sa kasunduang inalok nito sakanya. Kailangan nya lang namang sagutin ang gagang ka...
