Rome Nicolo Alcantara's POV
Ako si Romeo Nicolo Alcantara in long. Roni in short. Isang cutie baby face na nakatira sa bahay namin.
Gwapo naman ako.
Cute pa.
Mabait.
Halos lahat na yata ng positive words nasa akin.
Bulag yata ang mga babae dito sa earth. Parang gusto ko nalang tuloy pumunta sa mArs.
Kaya naisip ko na sasali ako dun sa mga magpapadala ng pangalan nila sa mArs.
"Mars! Here I comeee--"
"Anong mArs mArs ka dyan?! Sampalin kaya kita ng tsinelas?! Gusto mo?!"
Halos matanggal na ang ulo ko dahil sa pagbatok sakin ni Kikay.
Babae na sya ngayon pero bakit ang lakas lakas nya padin? Huhu.
"Anong mArs? Marshmallow sabi ko. Bibili ako ng marshmallow para sayo." Mahinahon kong tugon habang pinapakalma sya.
Pag nagkaroon kami ng sariling istorya baka 'The under-hubby' ang maging title. Huhu ayaw ko.
"Bubuntisin mo ko tapos pupunta ka sa mArs mArs nayan?! Aba! Anong akala mo sakin?! Baboy?!" Hindi ko naintindihan ang punto nya don pero kunware naintindihan ko nalang.
"Binuntis kita kasi wuv kita. Hindi ako pupunta sa mArs--aww." Sinampal nya na ko ng tsinelas sa bibig bago pa man ako makatapos magsalita.
Kawawa naman ako.
"Ang shaket naman non bhie." Inambaan nya pa ko. Ihh, baket ba kasi sya ganyan?!
Naramdaman ko ang panggigilid ng luha ko. Ngumuso pa ko sa harap nya.
Tinaasan nya lang ako ng kilay? Luha luha, tumulo ka.
"Teka bhie? Bakit--anong sinong nagpaiyak sayo?" Tagumpay ang plano pagkatapos umagos ang luha sa mata ko.
Ang galing talaga ng acting skills ko.
Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha nya mula sa pagiging mataray papunta sa pagiging soft-hearted. Yie.
"San masakit? Dito ba?" Kiniss nya ang pisngi ku. Kinikilig akong umiling sa tanong nya.
"Ituro mo kung saan?" Tinuro ko yung pinkish lips ko. Sana makaisa. Hihi.
"Okay." Lumalapit na sya ng padahan-dahan kaya ngumuso na ko agad habang nakapikit.
"Arayyyyy bhie!" Sinampal nya ko.
Baket ba ang saket saket nya manampal otor?!
"Ayoko na. Pupunta na ko ng mArs. Hmp." Naisip kong mag walk-out kasi wala lang. Naisip ko lang nga.
"Bhie." Halos pabulong nyang tawag.
Hindi kita papansinin pero babagalan ko ang lakad ko. Pa-slowmotion bhie.
"Bhieee." Sabihin mo muna. I wuv you. Kung hindi, ayoko.
"Bhieeee!" Galit na sya. Humihiyaw na sya.
Eeeeenggg! Ala flash na pagtakbo dahil baka ihagis nya nanaman sakin ang tsinelas nya.
Sinarado ko ang pintuan pero bago yon...
"Manganganak na ko, Roni. Papatayin kita!"
Teka, ano daw?
"Sabihin mo muna wuv you, Roni!" Balik hiyaw ko sakanya pero sarado na ang pintuan ng mga oras na 'to.
BINABASA MO ANG
Diary Ni Tasyo
Novela JuvenilSiya si Anastacio 'Tasyo' Ignacio at oo, sya ang bida sa istoryang ito. Para matupad ang dream nyang happily ever after sa love of his life nyang si Niro, pumayag sya sa kasunduang inalok nito sakanya. Kailangan nya lang namang sagutin ang gagang ka...
