Tasyo 30

14 6 0
                                    

Dear Dhiaria,







2 weeks na agad yung nakalipas simula nung huli kitang sinulatan.







Naisip kitang bulabugin ulit kasi sobrang dami ng ganap sa buhay ko na gusto kong i-share sayo. Gusto ko ding maglabas ng mga hinaing at hinanakit ko dun sa gagang Aqua na yon.






Nabalitaan mo na ba yung nangyari samin? Alam kong tsismosa ka kaya wag mo nang ipagkaila sakin. Alam mo na, diba?!






Totoo yon. Break na kami ni Aqua. Sinampal nya pa nga ako pero di naman masakit. Parang kagat lang sya ng ant.






Ang kapal ng fes nya para ganituhin ako. Ang sarap nyang ibalik sa tyan ni mother-in-law tapos habambuhay na sya don, wag na syang lalabas. Hmp!






Nung gabi ng anniversary namin, nalaman ko na ex nya pala si Prof. Eyx. Kaya pala EYX kasi EX? Sinadya mo yon, otor?






May anim na pangalan akong babanggitin sa mga ikekwento ko sayo. Simulan natin kay Aqua na ang sarap lunurin sa aquarium ng madedo na.







Kinabukasan ng umaga, wala nang Aqua na nangulit sakin. Mag-isa nalang din akong kumain nang lunch. At mag-isa nalang din akong umuwi. At okay lang yon sakin.







Wish ko lang na sana mabilis akong masanay ulit sa mga bagay na ginagawa ko non bago pa man dumating si Aqua.






Sobrang laki talaga ng binago nang babae na yon sa mga pang araw-araw na ginagawa ko sa buhay ko. Kaya sobrang sama nya talaga para gantuhin ako. Wala syang digestive system. Pero duh! Kaya ko naman ibalik sa dati yung buhay ko no.





Sana pala sa simula pa lang ng istoryang 'to nilunod ko na sya para wala nang kwento. Sana hindi nalang ako pumayag sa kasunduan na ginawa ni Niro. Sana sinabi mo para di na umasang may tayo pa sa huli. Wag kang kumanta.





Karma ko na ba 'to? Pero bakit ang bilis bilis naman dumating? Lagi namang traffic sa edsa ah? Tama na nga. Nakakairita.






Pangalawa ang taksil na si Prof. Eyx.






Kinausap niya 'ko nung araw din na 'yon at sinabi nya sakin na mali ako tungkol don sa mga sobrang walang kwenta nyang sulat na sobrang wala talagang kwenta.






Sabi nya 'Madalas kong nakikita si Aqua sa tapat ng locker mo. So, I thought na sakanya yon kaya don ako naghuhulog ng sulat. It's just a misunderstanding, Mr. Ignacio. I'm sorry.' Professor sya pero hindi nya alam kung pano hindi mangielam sa buhay at relasyon ng ibang tao. May bf na si Aqua at si Tasyo yon tapos magbibigay pa sya ng sulat? Nakakadismayang pag-uugali.







Tinalikuran ko lang sya tanda ng pagiging walang manners ko nung mga oras na yon. Buti sana kung kayang ibalik ng sorry nya lahat ng nangyari. Pero hindi, Dhiaria. Kaya sakanya nalang yung sorry nya.






Pangatlo at Pang-apat ang dalawa kong anak.





Tungkol naman kay Aquaman at Anastacia. Tinangka silang ilayo sakin ni Aqua. Nagpunta dito si Mang Arturo dahil inutusan daw sya ni Aqua para kunin ang mga anak ko sakin.






Noooo Way! Kahit anong mangyari, sakin sila. Simula nung nag break kami, tinanggal ko na ang titulo nya bilang supplier at tatay ng mga anak ko kaya wala na syang karapatan.







Pero pwede pa namang ibalik yung titulong yon kung babalik sya. Keme lang. Dapat lang na wag na syang bumalik kasi touch move to parang chess.







Pang-lima si Roni. Ang lasing na nagbunyag ng katotohanan dun sa pasilep.







Si Roni, hindi na sya suicidal ngayon kaya masasabi kong naka-move on na sya kay Aly. Sobrang chaka naman kasi non tsaka hindi naman yon kawalan sa buhay nya.







Pumunta sya dito nung isang araw dahil sabi nya manonood daw kaming dalawa ng bagong nyang video sa cellphone nya.







Wala sana akong pake dahil alam kong movie nanaman yon tungkol kay Barbie. Maganda naman si Barbie pero hindi nya ko fan kasi plastic sya. Kaso gustong-gusto sya saking ipanood ni Roni kaya pinbagbibigyan ko nalang.






Hindi si Barbie the chaka doll yung tinutukoy ko ah kasi hindi naman yon maganda. Plastic lang.






Pagdating nya dito, super atat na atat syang ipanood sakin yung video sa cellphone nya. Hindi yon video ni Barbie kundi naming dalawa habang...






Nag-uusap lang sa bar.







Nung gabi na inaya nya kong makipag-inuman sakanya dahil nakipaghiwalay sakanya si Aly. Naaalala mo ba? Kung hindi, pakihanap yung pake ko.








'Nagpapasa 'ko ng movie kay Aqua. Pero dahil shunga sya, napindot nya din yan. O baka sinadya nya lang para malaman natin na may nagsend ng video nayan sakanya. Minsan kasi papansin yon, baka gusto nya lang na isipin mo sya. #TaquaMulingIbalik.' Umakto pa syang kinikilig na talagang nakakadiri kaya binatukan ko sya.






Sa sampung tauhan sa kwentong 'to...hindi na kasama si Mang Arturo at si mother-in-law dahil segway lang silang dalawa.






Sa lahat ng hindi exempted si Prof. Eyx lang ang qualified na gumawa nyan. Bakit? Kasi gusto nyang agawin sakin si Aqua at para magawa nya yon siniraan nya ko. Sobrang sama nya talaga.






Pero kasalanan ko din kasi sinabi ko yon. Pero kahit na. Arggh!






Ngayon, kanyang-kanya na. Saksak nya pa sa baga nya. Magsama silang dalawa. Wala namang poreber.





Ayoko na munang isipin yan dahil ayokong ma-stress ng bongga. Isa pa, kagaya lang din naman yon ng sorry ni Prof. Eyx. Hindi din naman kayang ibalik ng vidwo na yon lahat ng nangyari. Kaya ignore nalang ako.






Dumako na tayo sa pang-anim na pangalan. Si Barbie. Gulat ka no?!







Meron akong good news at pinang-last ko talaga 'to para iangat ang mood ng entry kong 'to.






Ikinagagalak kong ibalita sayo na nagbawas na ng karakter si otor sa istorya ko. At yey lang dahil si Barbie the chaka doll ang naisip nyang tanggalin. Wala daw kasing ambag yun e.






Nag-transfer na sa ibang school si Barbie the chaka doll dahil break na ulit sila ni Niro. At 100 % sure ako na wala na silang chance na magkabalikan. Wag mo nang itanong kung bakit kasi kakasabi ko palang.






Pwedeng-pwede na kaming magmahalan ni Niro ng walang humahadlang. Parehas na kaming single kaya sobrang compatible na namin.








WaaaaAaaa! Kelan nya kaya ako aayaing makipag-date sakanya? I can't wait, Dhiaria.







Matutulog na ko. Goodnight.







Pahabol lang. Si Mang Arturo nga pala yung driver ni Aqua. Baka lang kasi curious ka, Dhiaria. Ka-age ko lang yon, baka bet mo? I have his number, gusto mo ba?






Medyo madaldal,
Tasyo~

Diary Ni TasyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon