Dear Dhiaria,
Maglalasing ako ngayon. Or should I say naglalasing?
Kasi nakainom na ko pero konti lang naman yon.
Tinikman ko palang e. Pero nasusuka na ko.
Umiikot din yung paningin ko.
Mamamatay na yata ako, Dhiaria.
Hmp! Joke lang!
Bawal ma-tsugi dahil sayang ang beauty kapag yon ay nangyari. Hihihi!
Wow! Ang galing ko. Magkaka-rhyme.
Nasusulatan kita ngayon kasi bumili ng empi si Tonyo don.
Buti nalang nandito ang manginginom na si Tonyo para makinig sa mga problema ko sa buhay.
Sa isang empi, meron ka nang problem buddy. Hihi!
Sinabi ko kay Tonyo lahat-lahat. Sabi nya 'Tasyo, sino bang mas gusto mo dun sa dalawa? Si Aqua o si Niro? Kasi alam mo, pwedeng magmahal ng marami. Pero iba-iba nang level yan. Hindi mo pa lang nare-realize ngayon pero sa susunod na entry malalaman mo na mas mahal mo yung isa kesa sa isa. Pakinggan mo lang ng mabuti kung ano yung sinisigaw ng puso mo.'
Tapos binatukan nya ko sabay sabing 'Pero malay mo tayo pala talaga, diba? #Tonsyomasbetter. Bili lang akong empi don. Pengeng pambili.'
Mas lalo akong nasusuka dahil don.
Teka! Naghahalucinate na ko sa sobrang lasing ko, Dhiaria.
Ayon yung gagang babaita oh. Kasama pa si Roni.
Nakatingin sila sakin. Parang totoo talaga.
'Ang saya ko na sana, Aqua. Kaso peke ka. Nakikita ka nanaman nitong mata ko kahit wala ka naman talaga. Tapos ngayon kasama mo pa yang madaldal mong kuya? Gusto mo nanaman bang kausapin ko yung hangin? Kahapon ka pa yah! Nababaliw na ko...sayo. Hihi! Myghad! Kung totoo lang sana na nadito ka.'
Bye na, Dhiaria. Sampalin ko lang si Aqua saglit.
Brokenhearted ulet,
Tasyo~
BINABASA MO ANG
Diary Ni Tasyo
Teen FictionSiya si Anastacio 'Tasyo' Ignacio at oo, sya ang bida sa istoryang ito. Para matupad ang dream nyang happily ever after sa love of his life nyang si Niro, pumayag sya sa kasunduang inalok nito sakanya. Kailangan nya lang namang sagutin ang gagang ka...