'Kailangan na nating itigil 'to. Ayoko na.' Tinignan ko siya ng masama.
Ang layo na nang narating ng plano namin. Hindi pwedeng ngayon pa kami titigil. Nakuha nya na yung gusto nya at nakuha ko na din yung gusto ko.
'Ayoko.' Maigsi pero puno ng diin kong pagtanggi 'Okay na lahat, diba? Nagawa na natin yung gusto natin. Dude, we can't stop right here.'
Ako nga yung nagsama sakanya sa plano kong 'to. Pero, pumayag naman kasi sya. Tsaka isa pa win-win situation naman tong pinasok namin.
Tuwang-tuwa pa nga sya nung nagtagumpay kami sa plano namin. Kaya hindi ko maintindihan kung ba't sya nagkakaganyan ngayon.
'Pare, ayoko na talaga. You don't want him to know about this? Then, i'll let her know. Sasabihin ko na sakanya lahat-lahat. Alam mo, it's better to tell them now, habang hindi pa nila alam kung ano yung totoo. Kasi once na malaman nila 'to mula sa ibang tao, mas matinding pagkamuhi ang babalik satin. At ayokong mangyari yon.' Tinalikuran nya na ko bago pa man ako makasagot sakanya.
Gusto ko syang pigilan pero hindi ko magawa.
Alam kong mali ako. Pero hindi pwede. Hindi pwedeng lumabas lahat ng 'to. Hindi pwedeng maputol yung plano ko. Hindi pwede.
BINABASA MO ANG
Diary Ni Tasyo
Ficção AdolescenteSiya si Anastacio 'Tasyo' Ignacio at oo, sya ang bida sa istoryang ito. Para matupad ang dream nyang happily ever after sa love of his life nyang si Niro, pumayag sya sa kasunduang inalok nito sakanya. Kailangan nya lang namang sagutin ang gagang ka...
