Dear Dhiaria,
First anniversary namin ngayon ni Aqua. Oo, natandaan ko. Kasi naman lagi nya saking pinapaalala 'tong date na 'to atsaka isa pa, ito lang naman kasi ang araw nang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko sa buong buhay ko.
April 29, nung sinagot ko sya.
Tuwing may celebration na kagaya nito wala naman akong pakeelam. Hindi na ko nag-aabalang maghanda ng surpresa kasi gawain nya yon.
Nagkukunwari na nga lang akong nagugulat ako e. Kasi expected ko naman na.
Naaalala ko pa na pagkatapos nyang magsabi ng 'Surprise! Happy blah blah blah blah blah Tasyo babe' nginingitian ko sya. At hihimatayin ang babaita. Tapos di ko sya sasaluhin kasi wala akong pake kahit mabaltog pa sya.
Titignan ko lang sya ng masama at sasabihin kong 'Buti nga sayo, tulo laway.'
Psh! Pero hindi ko naman sinasabi sayo na nag-eexpect ako ngayon. Hindi nga! Hindi nga sabi e, ang kulet!
Oo na! Pero hindi naman ako nag-aantay. Magkaiba yon....ng spelling.
Hindi nya ko pinapansin. Wala syang pake sakin. Galit sya sakin. May sira talaga sa pag-iisip yung babaitang yon.
Dahil mukhang hindi sya mag-eefort ngayong araw na 'to. Naisip ko na ako na ang mag eefort sakanya. Nakakahiya naman kasi.
Oo nga, Dhiaria. Kita mo 'to? Syempre hindi. Duh! Wala kang eyes.
Bouquet 'to ng bulaklak malamang. Tsaka ayan chocolates. Flat tops para sa umimpis na gulong.
Rest in Peace sa joke ko. Hays.
Inarkila ko na din si Tonyo para tumugtog kasi nga haharanahin ko si Aqua. Inaral ko pa yung fave song nya na 'Better Place' lagi nyang kinakanta yan para bwisitin ako. Bwisitin ako kasi wala sya sa tono.
Yung suot ko naman kimona at saya. Sobrang pretty ko para kong dalagang pilipina yeah. Chos! Syempre naka barong tagalog ako. Para daw traditional sabi ni Tonyo.
Sukang-suka na ko kasi amoy lupa. Hinukay nya pa yata to. Sana naman Tonyo nagpaalam ka? Nakakahiya sa owner.
Nagpa-palpitate na ang aking hart. Baka mamaya bigla nalang tong tumalon sabay batok kay Aqua.
Sana wag na syang mag-inarte mamaya dahil nakooo! Pag nag-inarte sya isusungalngal ko talaga sakanya tong mga bulaklak na 'to.
I'll update you later, okay? Kailangan ko pa kasing mag-vocalization para mas lalo pang gumanda ang aking voice. DO RE MI FA SOL LA TI DOOOOOOOO!
Inggit ka nanaman sakin, Dhiaria. Bleh.
Pretty pati ang voice,
Tasyo~
![](https://img.wattpad.com/cover/135123653-288-k527331.jpg)
BINABASA MO ANG
Diary Ni Tasyo
Teen FictionSiya si Anastacio 'Tasyo' Ignacio at oo, sya ang bida sa istoryang ito. Para matupad ang dream nyang happily ever after sa love of his life nyang si Niro, pumayag sya sa kasunduang inalok nito sakanya. Kailangan nya lang namang sagutin ang gagang ka...