Tasyo 11

44 23 0
                                    

Dear Dhiaria,





Kung nung isang araw ako ang inaalagaan. Pwes, ngayon naman ako ang nag-aalaga.





Yes! You heard it right. Shifting lang ang peg.





Inaalagaan ko ngayon si Aqua. 





So, nandito ako ngayon sa bahay este mansyon pala nila.





At ang istorya sa kung bakit ako napunta dito ay eto.....





Kahapon nga 'di ba pinapapunta ako ni Aqua sa park dahil may importante daw siyang sasabihin. 





Nakalimutan ko lang sabihin sayo na umuulan pala non. As in sobrang lakas ng ulan. Akala ko nga umuwi na siya.





Actually, ngayon nga habang sinusulatan kita umuulan din. 





So, nagpunta 'ko doon sa meeting place namin ng mga after 1 hr na. Nagulat ako nung dumating ako doon hindi dahil sa wala na siya don kun'di dahil sa nakatayo lang siya sa gitna ng park.





Basang-basa. Para bang tanga. Hay!





Hiniyawan ko pa nga sya. Sabi ko "Aqua alam mo para kang tanga. May silong naman pero nandyan ka sa---"Di ko na natapos yung sasabihin ko noon nang bigla siyang napatingin sakin.





Nakaramdam ako ng awa. Na-guilty ako. 





Pakiramdam ko ako na yung pinakamasamang tao sa balat ng lupa.





Mas lalo pa kong nainis sa sarili ko ng pilit nya kong nginitian. Kasabay pang ngumiti ng labi niya ang mga mata niya. Mababakas mo talaga na masaya siya.





Tapos nilapitan ko siya. Patakbo. Habang papalapit ako sakanya pabigat ng pabigat yung bawat hakbang ko.





Saktong paglapit ko sakanya, hinimatay ang gaga. 





Syempre! Sa ganda kong 'to. Bulag lang ang hindi hihimatayin 'no.




*Flips hair*





Pero nagulat ako nung nahawakan ko siya. Para kong nakahawak ng bagong kulo na tubig. Ang init init niya kasi.





'Tasyo babe. Buti naman dumating ka. Alagaan mo ko.' Yan yung huli niyang sinabi bago sya tuluyang nawalan ng buhay este ng malay.





Agad ko naman siyang dinala sa ospital. Tinawagan ko rin si Roni oara alam niya 'yong nangyari sa kapatid niya.


I'm not ready nung dumating yung buong pamilya nila, Dhiaria.





Buti nalang nga at hindi angkan. Pero nandon si future father-in-law na mukhang istrikto.





Parang malulusaw na nga ako kanina sa ospital dahil titig na titig sya sakin. Grabe lang talaga! I'm so shocked! Napaaga pa 'yong pagkikita namin. 





Pero nakampante naman din ang kagandahan ko dahil hindi naman pala siya ganon ka-istrikto. 





Nagbibiro rin pala siya. Joker pala si father-in-law.





Humingi pa siya sa 'kin ng pasensya sa masama niyang pagtingin sa 'kin tapos 'yon. Feeling ko close na kami agad.






At Dhiaria, sinabihan niya 'ko ng isang kagimbal-gimbal na salita. 





Ang gwapo ko raw. 





Gusto ko nga sanang sumagot ng 'Future father-in-law, I'm not handsome coz I am confidently beautiful with a heart' Oha! Mala-Pia lang.





Mabalik tayo sa kinekwento ko.





Pauwi na nga dapat ako kanina noong pagdating dito sa bahay nila Aqua pero ang gaga humingi pa ng tulong kay future father-in-law para kumbinsihin ako. 





E' dahil si future father-in-law yon, kaya napapayag ako ng walang kahirap-hirap.





Favorite raw pala ni future father-in-law si Aqua. Kaya eto 'ko ngayon binabantayan siya.





Mukhang anghel lang si Aqua kapag natutulog. Sana lagi nalang siyang tulog. 





Suggestion ko lang naman sakanya, wag na siyang gigising para maraming magkagusto sakanya. Parang Aurora lang ng Sleeping beauty.





 Alam mo kasi Dhiaria, nakakabwisit lang sakanya yung pagiging madaldal niya at pagiging isip bata. Ang nonsense ng mga topics na binabanggit niya. Pinagpipilitan niya yung gusto niya kahit wala naman akong pake.





Argh! Bye na ulit, Dhiaria. Gising na si Aqua kaya papakainin ko na.





Maisungalngal nga 'yong kutsara mamaya. Haha. Nandito na si future father-in-law. Itatago na kita.









Feeling ka-close na si Future father-in-law,
Tasyo~

Diary Ni TasyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon