Dear *Your name*
(Sa tagalog 'ilagay mo dito ang pangalan mo')Pumunta si Tonyo sa bahay namin at may dala pa nga syang empi which is his favorite. Hinahanap nya daw ang kyut na si ako.
Pinapapunta nya ko dun sa boarding house dahil suicidal na daw si Tasyo. Alam ko naman na di yon totoo pero nagpanic pa din ako. Napansin ko kasi na nakikinig si Aqua sa usapan namin ni Tonyo. Tsismosa talaga yun e.
Alam ko na may pake pa din sya kay Tasyo kahit sinaktan na sya nito. Ewan ko ba sa kapatid kong yan, pag nainlababo. Wagas! Di bale nang magmukhang shunga makapagpapansin lang.
Sumama na ko kay Tonyo. Paalis na sana kami, kaso dahil nga sinabi ko naman na kanina na may care pa din si Aqua sa childhood friend kong si Tasyo. Sumama din sya. Inggitera talaga.
Pagdating namin don. Inabutan ko si Tasyo na nagsusulat kay Dhiaria.
Sabi nga sa commercial ng tide 'Gulat ka no?!'
Oo, alam ko ang tungkol kay Dhiaria. Umpisa pa lang ng istoryang 'to alam ko nang meron syang diary.
Na-shookt ka ba? We? Pano yung shookt?
So eto na nga,
Kitang-kita ko ang pagsilay ng ngiti ni Tasyo matapos nya kong makita. Kahit naman itago nya halata pa din na ako talaga ang gusto nya. Kahit ilang beses ko na syang nabasted noon, ako padin talaga. Haynako, Tasyo.
'Ang saya ko na sana, Aqua. Kaso peke ka. Nakikita ka nanaman nitong mata ko kahit wala ka naman talaga. Tapos ngayon kasama mo pa yang madaldal mong kuya? Gusto mo nanaman bang kausapin ko yung hangin? Kahapon ka pa yah! Nababaliw na ko...sayo. Hihi! Myghad! Kung totoo lang sana na nandito ka.'
Ang shunga nya para isipin na peke kaming dalawa. Orig ako no. Orig na gawa ng nanay at tatay ko.
Atsaka ano daw yon? Madaldal na kuya? Is that me?
Tinignan ko ang lutang kong kapatid. Nagulat ako kasi umiiyak sya. Nakakabwisit tignan kaya malakas ko nalang syang tinulak papunta kay Tasyo.
Bagay na bagay naman silang dalawa e. Parehong shunga.
'Tasyo. Totoo ako.' Ang panget ng line ng kapatid ko. Nakakaasiwa pakinggan.
Take 2.
Tinulak ko ulit sya papunta sa direksyon ni Tasyo. Pero dahil shunga sya. Nasubsob sya sakto dito.
Mas sweet 'to. Infairness.
'Teka, totoo ka?!' Dala ng sobrang pagkagulat. Naitulak ni Tasyo si Aqua dahilan para mapaturit 'to sa di kalayuan.
Nanlalaki ang matang lumingon sya sakin. OMG! Nakaka scared.
'A-anong ginagawa nyo dito?!' Napatakip ako ng tenga ko. Makahiyaw wagas e.

BINABASA MO ANG
Diary Ni Tasyo
Genç KurguSiya si Anastacio 'Tasyo' Ignacio at oo, sya ang bida sa istoryang ito. Para matupad ang dream nyang happily ever after sa love of his life nyang si Niro, pumayag sya sa kasunduang inalok nito sakanya. Kailangan nya lang namang sagutin ang gagang ka...