A/N: May pa author's note pang nalalaman ehh. Kunyari merong may pake hahahahhaha! Ohh diba daming extra! Lol! Gumana na kasi braincell ko eh. Oh babay na!
~•~•~•~•~•~•~
Dear Kuya Anastacio,
Haha! Sabi na nga ba hindi ka talaga pusong babae eh! Siguro noon? Hoy! Di talaga ko makapaniwala na may girlfriend ka! Parang dati lang diring-diri ka sa mga kaklase ko na nagbibigay sayo ng rosas at tsokolate tuwing valentine's day. Grabe! Totoo ba talaga? Anong pinakain mo kay Aqua at parang inlababong-inlababo sya sayo? May gayuma ba yon? O kulam? Oy! Ano? Hehe~ Nga pala, tungkol sa kung bakit ako nandito. Eh kasi naglayas ako dun satin. Joke! Haha! Gumala lang ako. Sabi ko kay Mudra, gagawa lang akong project kaso wala eh, namiss kita. Yieeee! Nakarating tuloy ako dito sa Manila. Pero wag kang mag-alala, uuwi na ko ngayon habang tulog ka. Gusto ko pa sanang mag-stay kasi aagawin ko pa sayo si Aqua pero paniguradong hinahanap na ko ni Mudra. Antayin mo nalang pagbabalik ko. Wag mong sasaktan si Aqua ah. Please lang wag na wag! Big no! Pramis? Kuya Anastacio?! Wahahhahahah! Sige, baka mamaya magising ka pa ehh. Kailangan ko ng makalayas at baka hindi mo pa ko paalisin kung magkataon. Ikaw na nga din pala bahalang mangumusta kay Roni. Kamusta na yung mokong nayon? Naka-move on na ba yun sakin? Haha! Sige. Ingat ka palagi ahh. Wo ai ni. Hihi~
..
.
.
.
PS. Hoy! Walang ganyanan. Anong ginagawa nyo ni Aqua sa panaginip mo?
..
.
.
.
Pps. Hoy! Nandyan din ba ko? Ang dayaaaa!
Your handsome brother,
*read in a manly voice*
-Kikoy-

BINABASA MO ANG
Diary Ni Tasyo
Novela JuvenilSiya si Anastacio 'Tasyo' Ignacio at oo, sya ang bida sa istoryang ito. Para matupad ang dream nyang happily ever after sa love of his life nyang si Niro, pumayag sya sa kasunduang inalok nito sakanya. Kailangan nya lang namang sagutin ang gagang ka...