Tasyo 27

33 8 0
                                    

Dear Dhiaria,







Mga 9:00 na ng gabi nang biglang tumunog yung cellphone ko.







Uknown yung caller pero sinagot ko padin.







Isang boses na parang mula sa ilalim ng lupa yung nagsalita.





Sinabi nito na pumunta daw ako sa park dahil may kailangan akong makita.







Takot at kaba ang naramdaman ko nun, Dhiaria.







Pero naisip ko pa ding magpunta dahil nung mga oras na 'yon pauwi na din naman ako at madadaanan ko yung park kaya gora lang.







Bumili kasi ako ng face mask dahil naubusan ako ng stock sa kwarto.







Alam mo na. Mahalaga para mag-stay na pretty.





Tsaka masisira ang skincare routine ko kapag hindi ako nakagamit non kaya keri lang kahit gabi na e lumabas pa din ako.







Mabalik tayo sa kwento ko.







Pagkababa ko mula sa car ko, nagbayad ako sa driver ko syempre.







At sa unang pagsilay ko palang sa park e nakita ko na kaagad si Aqua na nakaupo sa swing.







At inuugoy lang naman sya ng lapastangang Professor Eyx na yon! Grr.







Nag-init yung ulo ko!







Sa taas. Hihi~







Pasugod na sana ko non ng tinawag ako ng driver ko.







Sabi nya 'Sir, kulang bayad mo.'





Nakakairitang tawag.







Nagpadagdag pa sya ng bente kaya mas lalo akong nagalit.







Sinampal ko sakanya yon sa sobrang inis ko.







Sukat ba naman sabihan ako ng 'Kuripot ka kase kaya wala kang jowa.'







Aba't--may jowa ako!







Inuugoy nga lang ng iba.







Kitang-kita ko kung pano niyakap ni Professor Eyx si Aqua.







At eto namang si Aqua eh yumakap pa pabalik. Ha!





At may pahawak-hawak pa sa mukha tong Prof. na to.







Hindi naman makatarungan yon. Porke't wala ako gagawin na nila yan.







Mas worst pa 'to kesa sa mga naisip kong pwede nilang gawin.





Magkikita sila ng gabi sa park para magyakapan, mag-uguyan at maghawakan ng mukha. Myghad!







Para kong paulit-ulit na sinampal ng mga paghihinala ko.





Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko silang sugurin kanina pero hindi manlang ako makaalis sa kinatatayuan ko.





Ayaw humakbang ng paa ko. Gosh.





Pinipilit kong sabihin sa sarili ko na 'Tasyo, be happy. That's a good sign na maghihiwalay na din kayo.'





Pero ako mismo sa sarili ko, hindi ko yon matanggap.





It's not that easy to watch them pero hindi ko mapigilan yun sarili ko. I feel betrayed.





Hindi na ko makahinga kaya umalis na ko don.





Nakaka-suffocate yung kataksilan nila.





Nakakawalang-gana.





Dhiariaaaa! Normal lang naman tong nararamdaman ko, diba?





Nasasaktan ako kasi kahit naman puro problema yung binigay sakin ni Aqua...





...may trust na kong binigay sakanya. Tapos sinira nya lang.





Kaya normal lang 'to. Wala lang 'to.








Woo! Tulog na ko.











Hindi umiyak, konti lang,

Tasyo~



Diary Ni TasyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon