Dear Dhiaria,
Ngayon na ang araw ng kamatayan este kaarawan ni Aqua.
Kanina ay sinundo ako dito ni Roni na inakala ko pang si Niro dahil sa kambal nga sila.
Pero sinabi ko sa kanya na masama ang pakiramdam ko at hindi ako makakapunta sa birthday ng kapatid niya.
Nag-suggest pa nga ito sakin na aalagaan nya nalang ako kesa sa ang pagpunta sa birthday ng kapatid niya.
Tignan mo Dhiaria, handang ipagpalit ni Fafa Roni ang birthday ng kapatid niya para lang alagaan ako.
Minsan nga napapaisip ako.
Bakit kaya ang bait-bait nito sakin? Hindi kaya may gusto sya sakin? Chos lang!
Gusto ko sanang sabihin sakanya na "Sige fafa Roni, take care of me" kaso naalala ko na nagkukunwari at nag a-alibi lang ako sakanya na may sakit ako para di ako makapunta sa birthday ni Aqua kaya "Wag na, Kaya ko naman na ang sarili ko" nalang ang sinabi ko.
Nainis pa nga ako ng konti dahil hindi man lang niya ko pinilit.
Sa sobrang inis ko ay napahiyaw ako sakanya ng "Di mo man lang ba ko pipilitin?" At muntik ng malaglag ang panti este brief hihi! Boxer ko pala ng nginitian ako nito sabay sabing..."Di ka naman importante dun kaya bat pa kita pipilitin, diba?"
Sa halip na malaglag ang boxer ko e' panga ko ang nalaglag.
Iniwan niya ko ng laglag ang panga non.
Ang tapang ng hiya niya.
Ang sarap niyang iuntog sa kotse niyang pink.
Yeah, pink nga ang paborito niyang kulay. Hindi na nga 'ko magtataka kung baka isang araw sisteret ko na yan.
Pero kinain niya lang lahat ng sinabi niya sakin nang araw din na 'yon.
Nagmamakaawa pa ang loko na sumama ko sakanya dahil magtatanan na kami. Charot!
Nagmamakaawa talaga siya dahil sa ayaw daw ng maarte niyang kapatid ang ipagdiwang pa ang birthday nito kapag hindi ako pumunta at baka daw ikamatay nito kapag wala ako.
Psh! Nasa akin ba ang puso niya at ikamamatay niya kapag wala ako.
Edi syempre naawa naman ako kay Roni dahil talagang niluhuran niya pa ang kagandahan ko para lang sa isip bata niyang kapatid.
Kaya nga magbibihis na ako ng bonggang bonga ngayon.
Paalam na muna Dhiaria at pag-iisipan ko pa kasi kung anong dress ba ang susuotin ko.
What if mag crop top nalang ako para makabog ko yung chakang barbie na 'yon na for sure ay nakabackless at maigsing palda ng suot. Kinulang sa tela.
Maghanda ka, Barbie. Kakabugin kita mamaya. Yung literal na kabog dahil naka-backless ka.
Maganda kahit na anong suotin,
Tasyo~
BINABASA MO ANG
Diary Ni Tasyo
JugendliteraturSiya si Anastacio 'Tasyo' Ignacio at oo, sya ang bida sa istoryang ito. Para matupad ang dream nyang happily ever after sa love of his life nyang si Niro, pumayag sya sa kasunduang inalok nito sakanya. Kailangan nya lang namang sagutin ang gagang ka...
