Tasyo 9

57 27 13
                                    

Dear Dhiaria,







WaaAaa! Ang sakit ng ulo ko pagkagising ko this morning. 







At hindi talaga 'ko makabangon sa kama ko. Omg! I hate this!







Gosh! This can't be happening. Ngayon ang intrams namin at tiyak na maglalaro ng basketball si Niro my ultimate love of my life ko. 







Hindi pwedeng wala ako don. 







Saan nalang siya kukuha ng lakas at inspirasyon if I'm not there to support him.







Hmp! For sure, nandoon ang chakang si Barbie at pagseselosin siya nito to win him back.






Ang itchy talaga ng bwisit na chaka doll na 'yon.









Grrr! Pero kasi paano 'ko pupunta doon kung may sakit ako 'di ba? 







Nakakainis naman kasi! Bakit ba nag-exist pa ang trangkaso? 







Bukod sa sipon at ubo e' may lagnat pa 'ko, and worst is sobrang sakit ng ulo ko. 







Ang init-init pa ng pakiramdam ko. 







Ang hirap gumalaw mag-isa. 







Di ko naman matawagan si Roni dahil alam ko na busy siya sa pag-aayos ng kasal niya.







Nga pala, alam nilang childhood bestfriend ko si Roni. Ang hindi lang nila alam ay ang ako ang boyfriend----eww! Err! ni Aqua. 







Basta 'di nila alam 'yon. Kahit kay Roni hindi ko pa sinasabi.









Dhiaria, I have a good news nga pala! Oye! Oye! 







Nag-I love you too sakin si Niro. AaaaAa! Ganito kasi 'yon. 







Nag-text ako sa cellphone number ni Niro na kinuha ko sa cellphone ni Roni, matagal ko ng kinuha 'yon kaso ngayon ko lang tinext kasi nga shy type ako. So, nag-text na nga siako kay Niro ng 'Good luck mamaya. Love you' with smiley face pa. Tapos 'yon wala pang isang minuto ay nag-reply na agad siya ng 'Salamat! Love you too' Ackk! Sobrang dami pang emoji nang message niya kaya mas nakakakilig. Pakiramdam ko tuloy mapapabilis yung paggaling ko. 







Paalam na nga. Magpapahinga na ko. Hihi~







Ps. Hindi nga pala alam ni Niro na number ko 'yon kaya medyo nagtataka 'ko.








Kinikilig ako super,

Tasyo~

Diary Ni TasyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon