Dear Dhiaria,
Grrr! Dhiaria! Bakit ka pumayag na masulatan at mayurakan ang pagkatao mo ng isang Aqua lang na ang sarap lunurin sa aquarium ng madedo na. Hindi naman ako galit.
So, mabuti naman at magaling na 'ko.
Sobrang saya ko talaga kasi bukod sa hindi na 'ko mahihirapang tumayo sa kama ko at kumain ng mag-isa e' hindi na rin pupunta si Aqua dito sa boarding house.
Tinutukso na nga ako ng mga chakang ka-boarders ko dito.
At alam mo, narindi ako sakanila kaya isa-isa ko silang pinagsasampal sa mukha. Charot!
Syempre di ko lang sila pinansin, kasi nga snob ako. Pake ko sa kanila.
At oo nga pala, walang pasok ngayon kaya free ako maghapon.
Tutunganga lang ako dito at magbe-beauty rest.
Sana! Kung 'di lang ako inistorbo ni Aqua na ang sarap lunurin sa Aquarium ng madedo na.
Aish! Nakakainis nga dahil pinapapunta nya pa ako sa Park at may kailangan daw siyang sabihin na mas mahalaga pa kaysa buhay niya (-_-)
Napaisip pa 'ko ng very very light kung pupunta ba 'ko or wag nalang. Wala naman kasing kwenta yung buhay ni Aqua para sakin.
Am I too harsh? Pasensya! Tao lang.
Sorry! Ayan a' sincere apology 'yan para wala ka nang masabi, Dhiaria.
Nga pala, may itatanong lang ako sayo.
Ano bang mga pinagsasabi sayo ni Aqua nung nagsulat siya? Ano? Bakit ka tahimik?
Ah ok, nice talking! Ugh! Baliw na yata ako.
Duh, wala namang notebook na nagsasalita.
Tasyo, are you crazy?
Bye na nga Dhiaria, konti lang muna yung isusulat ko. Continuation na lang mamaya pagkabalik ko.
Nagmamadali na rin kasi ako. Late na ako. Higit isang oras na yata akong inaantay ng gagang si Aqua sa Park.
Mehehe! For sure, lawit na ang dila non sa sobrang inip.
*Insert devil laugh*
Sana umuwi na si Aqua. Byebye Dhiaria!
Papunta na sa Park,
Tasyo~
BINABASA MO ANG
Diary Ni Tasyo
किशोर उपन्यासSiya si Anastacio 'Tasyo' Ignacio at oo, sya ang bida sa istoryang ito. Para matupad ang dream nyang happily ever after sa love of his life nyang si Niro, pumayag sya sa kasunduang inalok nito sakanya. Kailangan nya lang namang sagutin ang gagang ka...