Tasyo 26

34 9 0
                                    

Dear Dhiaria,







Hatinggabi na nang bigla akong tinawagan ni Roni.







Inaaya nya kong makipag-inuman sakanya dahil daw sawi sya sa pag-ibig.







Nakipagkita naman ako sakanya dahil sabi nya suicidal na daw sya.







Konsensya ko pa kapag nadeds sya.







Sira buong life ko non pag nagkataon.







Atsaka isa pa, namomroblema din naman ako sa kapatid nya tsaka sa Prof Eyx na yon.







Kinwento nya sakin na nalaman daw nyang preggy ang kanyang soon to be wife.







Matutuwa na sana ko dahil magiging tita na ko pero sabi nya hindi daw kanya yung baby.







Hagulgol na sya non dahil nakikipaghiwalay na daw si Aly sakanya.







Proud pa daw to nung sinabi nya na hindi kay Roni ang baby sa tummy nya.







Ganon nya talaga kagusto na hindi maikasal kay Roni. To the point na nagpa-preggy sya sa ex nya para lang magkaroon nang dahilan para di matuloy ang kasal nila.







Ilang beses ding na postphone yung engagement party nilang dalawa dahil sa walang katapusang mga dahilan ni Aly noon tapos ngayon cancelled na lahat hanggang sa wedding.







Aly, ang bad mo! Tara lang dito, sapakin kita.







Pagkatapos nyang magkwento nagpakalasing na sya.







Tinanong nya din ako tungkol sa amin ni Aqua.







Kinwento ko sakanya lahat-lahat.







Na naiirita ko sa kapatid nya. Na ayoko na. Na naiinis ako. Lahat lahat.







Sabi nya 'Pwede yang inis pero pwede ding selos. Parang nung kay Barbie, naiinis ka sakanya dahil nagseselos ka sakanila ni Niro. I apply mo yan ngayon. Pwedeng naiinis ka sa Prof mo dahil nagseselos ka.'







Ako nagseselos?







Psh. At bakit naman ako magseselos huh?







'Magkaiba yun, Roni. Gusto ko si Niro pero si Aqua hindi.'







Hindi nya na ko pinansin.







Walang utang na loob, Roni?







Balak ko lang sanang panoorin sya na uminom at magpakalunod sa alak.







Pero nadamay ako.







Sa pagkakatanda ko, isang baso pa lang yung naiinom ko non tapos umikot na yung buong paligid.







Nagising ako ngayong umaga nang nakahiga na sa kama ko.







Sabi ni Tonyo salamat daw at may exposure ulet sya.







Sabi nya pa sya daw umakay sakin at naghiga sakin papunta dito sa kwarto ko.







Wala naman siguro syang ginawa sakin kagabi?







Pilit kong inalala lahat ng nangyari kagabi dahil bukod sa ulo ko sobrang sakit din ng buong katawan ko.







Bwiset na Roni yon. Pano ko papasok neto?







At kung pinipilosopo mo ko ngayon at sinasabi mo sa utak mo na 'Kung masakit talaga yung ulo at buong katawan mo, bakit ka nakakapagsulat sa diary mo?'







Aba! Naka-record tong binabasa mo! Okay na?







Masaya ka na don?







Ako hindi ako masaya. Naiirita ko dahil sa mga naiisip ko.







Isipin ko palang na hindi ko mababantayan si Aqua at Professor Eyx, kinakabahan na ko.







Eh pero wala naman na kong magagawa. Sobrang sakit talaga ng katawan ko e.







Basta oras lang na malaman kong may mga ginawa silang hindi makatarungan. Lagot sila sakin.







Oh sige tama na muna. Matutulog na ko ulit.

May hangover,

Tasyo~

Diary Ni TasyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon