Tasyo 5

54 31 30
                                    

Dear Dhiaria,







I'm so happy.







As in sobrang sobrang happy ko talaga to the highest level. Sagad na sagad.







Alam mo yung feeling na single na ulit yung crush mo dahil nag break na sila ng jowa niyang hipon na chaka pa.







Gets mo na ba kung ba't ako masaya? Hihi! 







Yeah, you're absolutely right.  Break na nga si chakang barbie at si Niro my ultimate love of my life ko.







Nagbreak sila mismong araw ng birthday ni Aqua na ang sarap lunudin sa aquarium ng ma tsugi na.







Itchy kasi 'yang chakang barbie doll na 'yan.





Sukat ba naman makipag-kiss sa ibang lalaki. Nakakahiya siya.







Hindi ba siya na-orient na ang dami-daming babae at diyosang katulad ko ang naghahabol para magpapansin at makuha ang pagmamahal ni Niro. 







Ang stupid niya lang talaga para saktan at gawin ang mag cheat kay Niro my ultimate love of my life ko, Dhiaria.







Kung ako siguro ang minahal ni Niro, edi sana ang saya-saya niya ngayon. 







Aba lagi siyang may yayakapin at maki-kiss na diyosang katulad ko. 







Nararamdaman kong after niyang maka move-on sa chakang barbie doll na 'yon ay liligawan niya na ko. Hihi! Hindi na ko makapag-intay sa araw na 'yon. 







Sa kabilang banda, sobrang gulo ng nararamdaman ko.







Kung dahil sa nangyari kay Fafa Niro at chaka na barbie doll na 'yon ay masaya ko, ewan ko ba kung bakit nalungkot naman ako bigla ng dahil sa party ni Aqua na masarap lunurin sa aquarium ng ma-tsugi na.







And tungkol dun sa birthday party ni Aqua na ang sarap sarap lunurin sa aquarium ng ma tsugi na. 







Omg! Ikinagulat ko talaga ang itsura nya. Nagmukha siyangtae este tao dahil sa ayos niya. 







First time nya pa nga lang yatang maligo non para lang sa 18th birthday niya.







Ako kakayari lang ng debut ko nung isang isang taon pero bakit parang mas dyosa parin ako sakanya nun kahit na wala namang echos echos yung feslak ko.  







Hayss! Balik sa kinekwento ko. 







Nung napatingin ang gagang Aqua sa gawi ko ay lumapad ang ngiti nito. Kita ko nga ang bagang niya at lumabas na din ang gilagid niya.







At sa sobrang excite at stupid ng gaga ay napatid pa siya.







Muntik siyang masubsob sa sahig na tinawanan ko pa ng malakas. 







Napatigil lang ako ng tignan ako ng ibang mga bisita.







Nang mag 18 roses na ay sunod-sunod ng tinawag ang pangalan naming lahat. Aaminin ko, halos lahat ng mga naunang binanggit bago ako ay talagang mga fafa. Gwapo lahat, gusto ko tuloy silang i-mine.







Nang tinawag na ang pangalan ko, naramdaman ko na agad ang kilig niya lalo pa nang magsimula na kaming magsayaw. 







Nagpatindig ng balahibo ko ang sinabi nito pagkatapos ng sayaw naming dalawa.  Kinuha n'ya yung mic at sinabing 'Ang lalaking 'to ay akin lang. Lahat ng magtatangkang umagaw sakanya mula sakin ay papatayin ko.' Pabeastmode siya habang sinasabi niya 'yan tapos bigla lang nag iba ng sinabi niyang 'Liligawan kita simula bukas. I love you.' Na shookt ang kagandahan ko sa narinig kong 'yon. 







Pakiramdam ko ay naka elmer's glue ang katawan ko sa lupa lalo pa ng tinignan ako ng lahat ng mga tao.







At dahil sa hindi naman ako basta basta papayag na kinaya 'kong ganituhin ni Aqua ay nasabi ko nalang na 'Hindi mo kakayanin. Hindi kita gusto' tapos nag walk-out na ko. Ala flash sa pagtakbo dala ng sobrang hiya.







Napag isip-isip ko na umuwi na lang sa boarding house. Kaya ngayon eto ko nagsusulat na sayo. Sa nangyari ngayong araw nato. Anong tingin mo Dhiaria, dapat bang mas maging masaya ako o malungkot?








Sobrang naguguluhan,
Tasyo~

Diary Ni TasyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon