Tasyo 1

177 36 32
                                    

Dear Dhiaria,




(Read my diary's name as dayariya)




Hi Dhiaria.  Do you like your name? Hihi! Ang ganda 'no? Syempre naman, maganda kasi nag isip. Hah!




Maganda ang gising ko ngayon pero dahil given naman nang maganda ako e' sobrang ganda na tuloy ng gising ko.




Nanaginio ako kanina, Dhiaria.  Hindi lang macho kun'di gwapo din. AaaAaah!



He's an art. An art that is worth to buy. Ang perfect niya. Yung features niya! Yung boses niyang husky! Lalo na yung ano niya. Yung muscles hihi. Ang sarap pisilin.




We we're about to kiss as in malapit na talaga ang mga labi namin ng bigla na lang umalingawngaw ang mala-dinasour na boses ni Aling Shumay. Kaimbyerna siya.



Pero maiba na tayo. Ayoko nang pag-usapan si Aling Shumay kay mag-change topic na tayo. Hmp.



Nakita ko kanina si Niro my ultimate love of my life ko dahil nagkatapat kami sa gate. Habang nag-swipe ako ng aking id ay hindi ko mapigilang sulyapan siya.




E' pano na naman kasi ang gwapo-gwapo nya talaga, Dhiaria. 




Tapos alam ko ba, bigla na lang kaming nagkatitigan. Ang lagkit ng tingin niya sakin, mas madikit pa sa flex tape.



Alam mo ba yung feeling na malapit ka nang himatayin pero pilit mong pinipigilan dahil alam mong nakatitig sayo yung taong gusto mo at ayaw mong i-waste ang chance na 'yon para mag-explore sa bawat parte ng mukha niya?




Wholesome ang feeling dzai! Pero saglit ko lang naramdaman yon.





Nalaman ko kasi na mali pala ako ng inakala. Ang hirap talagang mag-assume. Huhu.



*Insert tasyo's sad voice* 




Ang sakeeet sakeeet ng aking hart! 




*Singhot 3x* 




Nag-assume ako na nakatitig sya sakin. 




Nag-assume ang kagandahan ko tapos hindi naman pala ako yung tinititigan nya. 




Kasi si Barbie pala.  




Abot-langit pa naman sana tuwa ko kasi malapit ng tumulo laway ni Niro e' sayang naman.




Papaanong natulala si Niro sa chaka doll lang na 'yon? Grr.




Teka Dhiaria, tingin mo ba tinalaban ng gayuma ng chakang barbie na 'yon ang Niro my ultimate love of my life ko?




No way! Hindi ko keri 'yon!



Ano ba 'yan, naiiyak nanaman ako!




*Humahagulgol pero pretty pa din* 




Hmp! Kaya mo yon? Inggit ka? Gayahin mo. Tse! 




Natural yan walang halong kemikal. 




Tignan mo pa--Wait! Wag na pala at baka mainlab ka pa sa pretty face ko.




Nasa unang pahina ka palang. Kailangan mong maka-survive.




Sige na nga, matutulog na ko para fresh na fresh pa rin ako bukas kahit na stress ako ngayon.




Itutulog ko nalang 'tong inis at galit ko. Goodnight.






Ps:    

Dhiaria may kilala ka bang nangkukulam? I just want to ask kung may nawawala ba siyang chaka doll.  Baka kasi si Barbie lang 'yon Tss nanggigigil ako sa babae na 'yon. Ang sarap niyang sampalin ng malaking kawa.


Gigil kay Barbie na chaka,
Tasyo~

Diary Ni TasyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon