Tasyo 12

42 24 0
                                    

Dear Dhiaria,







Dhiariaaaaaa! Gosh! Sira na ang kinabukasan ko.







Wala na yung first kiss ko.







At ang mas worst pa don ay si Aqua ang nakakuha. 







Huhu! 







Alam mo ba na sampung beses na 'kong nagmumog ng mouthwash.







Sana pala di ko nalang siya nilapitan nung narinig ko siyang nag-i-sleep talking kagabi. 







Bakit ba kasi ang tsismosa ko? 







Bakit ba kasi tinitigan ko siya at lumapit pa ko?






Pero kasalanan ko pa ba 'yon kung na-curious ako sa mga sinasabi niya na tungkol sa ex niya daw na gwapo. 







E' kasi naman, gwapo 'yon. Ganon 'yong sabi niya. Di ko lang alam kung true ba.







Kaya 'yon, naengganyo ako na lapitan siya. 







Tapos natameme na lang ako--Wait! Omg no! Shut up mouth! Wahhhh! Sinabi ko bang natameme ako? 







Kadiri naman!







Nga pala kanina sa school nakita ko si Niro na kasama si Barbie the chaka doll. 







Grabe ang sakit nila sa mata! Pero hindi ko nalang sila pinansin.







Kasi naman wala ako sa mood para i-torture sa isip ko si barbie. Yung first kiss ko kasi hindi ko makalimutan. 







Dhiaria! Parang ayoko na ring mag-aral. 







Aba! Nagtatanong ka ba? At bakit naman? 







Okay fine, dahil mapilit ka.







Wala na kasi akong privacy sa unibersidad na ito. 







Alam mo 'yon! Pati 'yong password ng locker ko hindi ko na rin alam.







Iniba kasi ni Aqua. Bwisit na babaeng 'yon. 







Nagtataka lang ako kung paano niya napalitan 'yon samantalang sa nakatataas lang pwedeng magpabago non.







--_--







Tasyo naman! Ang ganda-ganda mo pero wala kang common sense.







Tss! Bwisit talaga! Kakaimbyerna! 







And when I ask her why she did that ang sinagot lang niya ay...







'E' Tasyo babes, marami kasing naglalagay ng letters sa may locker mo. Alam mo bang nagseselos ako dahil don. Mamaya ma-inlove ka pa sa isa sakanila. Atsaka isa pa ayokong magkaroon ka ng problema.' na inirapan ko lang. 







Hindi nya yata alam na siya na mismo 'yong problema ko. 







Teka nga, may kumakatok sa pintuan. Paalam na muna. Let's talk na lang ulit later.












Makakalunod na talaga ng tao sa aquarium,
Tasyo~

Diary Ni TasyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon