Dear Dhiaria,
Napagdesisyonan ko na hindi ko papansinin ngayong araw na 'to si Aqua.
Kailangan nyang maranasan ang pang-malakasang pagiging snob ni Tasyo. Hmp.
Nakakasuka yung ginawa nilang kataksilan. Nakakadiri.
Pero alam mo, mukhang hindi lang ako ang nagplano ngayong araw na 'to.
Buong araw din kasi akong hindi pinansin ni Aqua. Oo, tama ka ng rinig, hindi nya din ako pinapansin.
Gusto ko nga sanang isalaksak sakanya yung burger nyang kinakain para lang mapansin nya ko. Magkasama nga kami pero hindi kami nag-uusap ni tingin manlang. Nakikipag-compete pa sya sakin. Aba!
Ang kapal ng fes nyaaaa. Nakakakulo ng dugo, Dhiaria. Ano bang problema nya?! Diba dapat aluin nya ko dahil nagtatampo ako?
Psh! Ba't ko ba sinasabi to? Lumalabas pa tuloy na ako ang nanghihingi ng atensyon. Myghad!
Mali ka ng iniisip, Dhiaria. At bakit naman ako hihingi ng atensyon sa babaitang yon? In your dreams.
Arrghhh! Ano bang nangyayari sakin?! Tasyoooo. Shut up.
Napuno ng miscalls ni Roni at Niro yung cellphone ko. Wala kasi ako sa mood na kausapin sila. Ang ganda ko no?
Eh kasi naman habang kumakain kami. Bigla nalang may nag text kay Aqua. Walang imik nya kong iniwan pagkabasa nya non. Attitude diba?
Sinundan ko sya dahil wala ka nang pake kung baket. Wag kang tsismosa.
Alam mo kung san sya nagpunta? Sa faculty lang naman ng mga teachers kung san nandon ang taksil na professor.
Aba. Mukhang may meet up pa sila. Psh. Nakakadiri naman. Hanggang sa faculty nagtataksil sakin.
Naisip ko kaninang makipag-break na kay Aqua tutal wala naman na kaming pake sa isa't-isa e. Kaso lang naisip ko din na para ko na silang binigyan ng pagkakataon ni Prof. Eyx kapag ginawa ko yon.
Asa pa kayo, mga taksil!
Akong si Tasyo Ignacio? Magpapatalo? Hah!
Gagawin ko lahat para wag silang mapalapit sa isa't-isa. Hindi ko sila papayagang maging masaya. Ako lang dapat! Diba, Dhiaria?
Narinig mo yon? Tumahol si Aquaman. Sabi nya babawiin daw namin yung tatay nya. Ayaw nyang magkabroken family.
Si Anastacia? Malamang tulog. Lagi namang tulog yon.
Tulungan mo kong mag-isip ng paraan para pigilan ang pagtataksil nila sakin, okay? Gooooood!
Humanda kayong dalawa sakin. Matitikman nyo na ang ganti ng isang pretty na kagaya ko.
*Insert Tasyo's evil laugh*
Ang pretty na pipigil sa dalawang taksil,
Tasyo~
BINABASA MO ANG
Diary Ni Tasyo
Teen FictionSiya si Anastacio 'Tasyo' Ignacio at oo, sya ang bida sa istoryang ito. Para matupad ang dream nyang happily ever after sa love of his life nyang si Niro, pumayag sya sa kasunduang inalok nito sakanya. Kailangan nya lang namang sagutin ang gagang ka...
