Tasyo 25

23 9 0
                                        

Dear Dhiaria,





Nadismaya ko pagkabukas ko nung sulat. Blangko kasi.





Trip yata ako ni Prof Eyx.





Trip na pagtripan hindi trip na gusto.





Kanina sa klase niya. Ang weird ng atmosphere para sakin.





Sobra yung kaba ko lalo na kapag tumitingin sya tapos bigla syang ngumingisi.





Para syang si Cardo na nagagalit. Nakaka-goosebumps.





Nag-imagine ka pa dyan.





Pagka dismiss nya nga pala ng klase pinaiwanan nya ko.





'Mr. Ignacio. Maiwan ka.' Hindi ko sya pinansin.





Ilang beses kong kinumbinse ang sarili ko na ihakbang lang ang paa ko pero madaldal si Professor Eyx.





'Importante to, Mr. Ignacio. Humarap ka sakin.'





OMG! Aamin ka na ba, Professor Eyx?!





Kung aamin sya anong sasabihin ko? Dapat ko ba syang ngitian? Sasagutin ko na ba sya? WaaaAa!





Diary Ni TasyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon