Dear Dhiaria,
Napapaisip ako, Dhiaria.
Hindi ba parang ang bilis naman yata ng mga pangyayari? Tsaka ang kumplikado din.
Parang last month lang kami pa ni Aqua. Tapos ngayon, iba na yung jowa namin.
Parang ang gulo kasi ng dating sakin.
Isip ako ng isip kung panong nangyari ang lahat ng 'to.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin.
Naguguluhan ako at the same time, natutuwa ako dahil natupad na ang dream kong maging jowa ni Niro.
Pero kasi. Arrghhh! Ang sarap sampalin ng kung ano mang bumabagabag sakin ngayon.
Gusto kitang sampalin, otor. Ginugulo mo yung life ko.
Pero...naiirita talaga ko. Baka siguro magkakaroon lang ako ngayon. Psh.
Btw, may date nga pala kami ni Niro ngayon. Sabi nya sisiguraduhin nya daw na hindi ko makakalimutan ang araw na 'to.
Eksayted na tuloy ako. Myghad! Eto na talaga.
Ang bilis ko ba mag change ng mood? Lakampake ha.
Pero alam mo, Dhiaria. Mag usap muna tayo ng seryoso ngayon, okay?
Normal lang naman yung naiirita ko sa dalawang taksil nayon diba? Yung kapag nakikita ko sila parang gusto ko silang itapon sa mgakabilang panig ng mundo para hindi na nila makita ang isa't-isa.
Huhu.
Dapat masaya lang ako ngayon. Pero ewan ko ba.
Naloka na nga yata ako ng tuluyan dahil sa Aqua na yon.
Tinext ako ni Roni kanina at sabi nya sinabi daw ng kapatid nya na kukunin na nito ang mga gamit nya na naipon dito sa boarding house. Edi kunin nya. As if naman na may pake ako sa mga yon. Nakatambak lang naman sa isang sulok yon. Matagal ko nang inayos yung mga trash nya kasi nakakaasiwang tignan.
Pinaalam daw ni Roni yon para mapaghandaan ko ang pagdating ng gaga nyang kapatid at magkaroon kami ng closure nito.
Duh! Closure? Wag na lang. Ayoko ng closure.
Kanya na yon. Hmp.
May date ako, Dhiaria. Hindi ko naman ipagpapalit yon para lang magkaroon ng closure kay Aqua.
Ah basta. Kung papapiliin ako sa dalawa. Aqua at Niro?
Depende yan sa tanong.
Kasi diba kunware. Sinong gusto mong mawala sa buhay mo? Pwede yon diba?
Anong sabi mo? Kung sinong mas mahal ko?
Sino ba sa tingin mo?
You'll find my answer here,
Tasyo~

BINABASA MO ANG
Diary Ni Tasyo
Teen FictionSiya si Anastacio 'Tasyo' Ignacio at oo, sya ang bida sa istoryang ito. Para matupad ang dream nyang happily ever after sa love of his life nyang si Niro, pumayag sya sa kasunduang inalok nito sakanya. Kailangan nya lang namang sagutin ang gagang ka...