Dear Dhiaria,
Hirap na hirap na 'ko.
Hirap na hirap na kong maging boyfriend ni Aqua. Para kong nag-aalaga ng bata. Argh!
Pakiramdam ko malapit na 'kong mamatay. Pwedeng mamaya, bukas o sa isang bukas.
Sa t'wing nakikita ko siya nababadtrip ang kagandahan ko. Sagad na sagad.
At kapag nagsasalita siya gusto ko siyang sungalngalin para matigil lang siya sa kadaldalan niya.
Naisip ko nga na bigyan siya ng award para sa pagiging most talkative nya.
Isa 'tong sumpa sa pagkababae ko. At isa ring malaking pagkakamali ang pagsagot ko sakanya.
Pero naisip ko rin, Dhiaria. Pwede kong gamitin yung relationship naming dalawa para mas mapalapit ako kay Niro. I'm so smart talaga.
Kaya kapag nakukunsumi ako sakanya 'yon nalang ang iniisip ko. Basta para sa future e' kailangan kong gawin 'yon.
At nga pala, ipapakilala na raw ako ni Aqua sa Daddy nila.
Sa future father-in-law ko. Yieee! Kapag kinasal na kami ni Niro pwede ko na din siyang tawaging Daddy. Woo! I cant wait! I am so so so so excited.
Pero Dhiaria, wala 'tong keme. Pure truth. Huhu. Kinakabahan ako! E' kasi naman buong angkan daw nila ang nandoon dahil nga sa kasabay ng pagpapakilala niya sa 'kin ang gaganaping engagement party ni Roni at nung Aly na nai-arrange marriage lang sakanya.
Ang galing lang kasi bata pa lang pala sila nung ipinagkasundo sila at childhood friend pa pala nila ang isa't-isa.
Manghang-mangha ako dahil hindi man lang sa 'kin naikwento ni Roni ang tungkol sa Aly na 'yon kahit konti man lang. In short wala akong alam sa history nila.
Well, ang sabi nawalan sila ng koneksyon sa isa't-isa at ngayon na kang ulit nagkita. Nakakaawa lang yung Aly dahil iba na ang dating Roni na kilala niya. Babaero na ang dating bestfriend nya na bestfriend ko na. At wish ko lang na sana magkasundo pa rin sila.
Balita ko kasi ayaw daw nung Aly. Nalaman ko lang naman lahat ng 'to dahil kay Aqua. Ganyan siya kadaldal, tipong mukhang walang sikretong naitatago.
So, kinakabahan parin ako kahit na sa weekend pa yun. Isa pa gabi na kaya matutulog na rin ako.
Ang sakit-sakit pa ng ulo ko. Goodluck nalang to myself para sa weekend gora ko. Byebye!
May headache but still beautiful,
Tasyo~

BINABASA MO ANG
Diary Ni Tasyo
Ficção AdolescenteSiya si Anastacio 'Tasyo' Ignacio at oo, sya ang bida sa istoryang ito. Para matupad ang dream nyang happily ever after sa love of his life nyang si Niro, pumayag sya sa kasunduang inalok nito sakanya. Kailangan nya lang namang sagutin ang gagang ka...